Lokal na pamahalaan ng Agusan del Norte, patuloy ang pagbigay tulong para sa mga former rebels
LUNGSOD NG BUTUAN -- Bukod sa halfway house kung saan pansamantalang nakatira ang mga former rebels na pinondohan ng lokal na pamahalaan ng Agusan del Norte, isang livelihood training center ang itinurn-over ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa probinsya.
Sa nasabing halfway house livelihood training center ay nagkakahalaga ng P5 Million pondo ng DILG bilang tulong sa probinsya upang patuloy ang suportang maibigay sa mga former rebels at sa layuning hasain pa ang kakayanan ng mga ito.
Si Ronald, isa sa apat na batang former rebels, ay masaya at laking pasalamat nito sa gobyerno dahil aniya ay mas lalawak pa ang kanyang kalaaman.
“Nagpapasalamat ako sa gobyerno dahil tinanggap nila ako at sa mga binigay nilang tulong sa akin tulad ng livelihood,” tugon ni Ronald.
Tiniyak naman ni Governor Dale Corvera na bago ang re-integration ng mga former rebels ay gagawing functional din ang nasabing training center sa tulong ng TESDA at ibang pang mga partner agencies.
Hinikayat din ni Agusan del Norte 2nd District Representative Maria Angelica Rosedell Amante-Matba ang mga former rebels na dapat matuto habang nasa halfway house pa sila at huwag sayangin ang tulong ng gobyerno sa kanila at lalo na huaw sayangin ang panahon na matuto.
Sa blessing at turn-over ng livelihood training center, ay nagbigay din ang Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict ng gift packs, food packs, hygiene kits at cash assistance sa mga former rebels. (NCLM, PIA Agusan del Norte)