(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 26 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.7 meters).


Tuesday, October 19, 2021

50 kabataan nakiisa sa programang 'libreng operation tuli' sa Butuan City

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Nagsagawa ng libreng ‘operation tuli’ sa Barangay Antongalon dito sa lungsod ang  Brigada News FM, kasama ang 402nd Brigade, Philippine Army, at Bisaya Gyud Partylist.

May kabuuang 50 kabataan ang maagang pumila at nakinabang sa operation tuli na kung saan mahigpit namang ipinatupad ang health protocols para hindi mahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kasama ang kanilang magulang, nagpasalamat ang mga bata sa pagsisikap ng grupo na maipaabot sa kanila ang libreng operasyon.

Ang mga kabataang ito ay apektado rin sa epekto ng COVID-19 pandemic. Bukod sa pinagbabawalan silang lumabas ng bahay, may kamahalan rin ang maaaring magastos nila para sa nasabing operasyon tuli.

 Ikinatuwa ni Sarah Mae Moncano, isa sa mga magulang at may 10 taong gulang na anak na kabilang sa nakabenepisyo ang libreng operasyon dahil hindi na niya kailangang gumastos pa nang Malaki para dito. “Malaking tulong talaga ito dahil hindi na kami gagastos pa. Maraming salamat sa inyong malasakit,” banggit niya.

Laking pasalamat rin ng amang si Romnick Sogot dahil sa sa tulong na ito para sa kanyang anak. "Maraming salamat sa mga tumulong at naghandog ng libreng tuli para sa aming mga anak. Sana ay marami pang ganitong aktibidad sa ibang barangay para mas maraming bata ang matulungan," ani ni Sogot.

Ipinaabot din ni Franco Caliguid, representative ng grupong Bisaya Gyud sa Butuan City ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga bisaya sa ibat-ibang probinsya ng Caraga region.

“Simula palang po ito ng marami pang inisyatibo at tulong na maibibigay ng Bisaya Gyud sa rehiyon. Handang-handa kaming tumulong sa mga nangangailangang kapatid natin na Bisaya,” pahayag ni Caliguid. (JPG/PIA-Caraga)