(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 26 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.7 meters).


Tuesday, October 5, 2021

'On-site release' ng mga TUPAD salaries, isasagawa sa lungsod ng Tandag bukas

Ni: Raymond Aplaya 

LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur -- Nakatakdang isasagawa bukas, Oktubre 6, ang on-site release ng mga sweldo ng mga benepisyaryo sa programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers dito sa lungsod ng Tandag, Surigao del Sur.

File photo
Sa panayam ng Radyo Pilipinas – Tandag, inihayag ni Josel Ann Dua, Labor Employment Officer ng Department of Labor and Employment (DOLE) – Surigao del Sur, na ang nasabing aktibidad ay dadaluhan sana ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nguni’t naunsyami ito dahil sa biglaang pagpapatawag sa kaniya ng Malakanyang.

Napag-alaman na batay sa iskedyul ng kalihim, nakatakda ang pagbisita nito dito sa Caraga Region simula ngayong araw, Oktubre 5, hanggang bukas na kung saan isa sana sa kanyang bibisitahin ang lungsod ng Tandag.

Dahil dito, ang kanilang magiging panauhing pandangal na lang sa nasabing aktibidad ay sila DOLE – Caraga Regional Director Joffrey Suyao at Assistant Regional Director Naomilyn Abellana.

Ayon kay Dua, gagawin ang pamamahagi ng mga TUPAD salaries sa pamamagitan ng reference number na siyang gagamitin ng mga benepisyaryo sa kanilang pag - claim sa MLhuillier.

Aabot umano sa 198 na mga benepisyaryo mula sa LGU – Tago ang makakatanggap ng kanilang mga sweldo.

Maliban dito, mamamahagi rin ng livelihood assistance ang kanilang tanggapan para sa LGU-Carrascal at LGU-Carmen nitong lalawigan. (DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)