FRs sa probinsya ng Agusan del Norte kasama ang kani-kanilang pamilya tumanggap ng assistance mula sa PTF-ELCAC
Dale B. Corvera |
LUNGSOD NG BUTUAN -- Tuwa at saya ang nadarama ng mga 179 former rebels at kanilang pamilya sa natanggap nilang assistance mula sa Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict at mga partner agencies sa probinsya ng Agusan del Norte. Bawat myembro ng pamilya ay tumanggap gift packs, hygience kits at food packs.
Hindi matatawaran ang saya at pasasalamat ni Jerem, isa sa mga former rebels (FRs) sa natanggap na tulong, anya hindi nya ito naranasan habang kasapi pa siya ng teroristang NPA, hirap at gutom ang kanyang naranasan sa piling ng mga ito.
Bilang pasasalamat din sa kanilang mga natanggap na tulong, naghandog ng kanilang awitin ang mga FRs, ito ay isang orihinal na composition bilang pasasalamat sa pagtangap ng gobyerno sa kanila lalo na ang probinsya ng Agusan del Norte.
Nangako din si governor Dale B. Corvera na patuloy nilang tututukan ang kalagayan ng mga former rebels upang maihanda sila sa kanilang community re-integration.
Tiniyak din ni TESDA provincial director Rey Cueva ang patuloy na suporta ng ahensya sa mga FRs upang mas lalo pang mahasa ang kanilang mga kaalaman. (NCLM, PIA Agusan del Norte)