(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 26 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.7 meters).


Friday, November 5, 2021

Mga programang nagtataguyod sa karapatan ng mga bata, mas pinaigting pa sa Caraga region

Ni Jennifer P. Gaitano

 

LUNGSOD NG BUTUAN -- Dahil sa iba't-ibang hamong dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic na nakaapekto sa buhay ng bawat tao lalo na sa mga kabataan, mas tinutukan ngayon ng iba't-ibang ahensya ng pamahalaan ang paggawa ng mga inisyatibo para sa kanilang kapakanan.

 

Jessie Catherine Aranas

Sa isang mall sa Butuan City ay nagpulong ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang media, ukol sa sitwasyon ng mga bata para maiwasan ang pang-aabuso, karahasan at pagsasamantala.

 

Ayon kay Jessie Catherine Aranas, hepe ng Protective Services Division (PSD) ng DSWD-Caraga, kasabay sa taunang selebrasyon ng National Children’s Month (NCM) ngayong buwan ng Nobyembre, mas pinaigting ng pamahalaan ang mga programa’t serbisyo para sa proteksyon at karapatan ng mga bata sa new normal.

 

“Nakararanas ng iba’t-ibang hamon ang mga bata at magulang dahil na rin sa naidudulot na epekto ng COVID-19 pandemic sa atin. Mas nakatuon rin ang bawat pamilya sa economic reintegration dahil marami ang nawalan ng hanapbuhay. Kaya naman ang ating gobyerno kasama ang non-government organizations at civil society organizations ay gumagawa ng mga hakbang upang mas matutukan at matugunan rin ang concern ng mga bata at maitaguyod pa rin ang kanilang kapakanan,” ani ni Aranas. 

 

Nanawagan din ang DSWD sa publiko na agad ipagbigay-alam sa otoridad at kinauukulang ahensiya ang anumang paglabag at pag-abuso mga bata.

 

Dagdag pa ni Aranas, ang mga aktibidad sa Children’s Month ngayong taon ay naka-base sa apat na kategorya katulad ng survival, development, participation at protection.

 

May mga webinars din para mapalawak ang kaalaman sa pagtataguyod ng proteksyon at karapatan ng mga bata.

 

Samantala, hinikayat rin ni assistant regional director Donald Seronay ng DILG ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon na pagbutihin pa ang kanilang implementasyon sa mga polisiya at programa sa ilalim ng Local Council for the Protection of Children (LCPC). 

 

“May mga regular activities ang ating LGUs para sa sector ng mga bata. Unang-una ang ating information, education and communications (IEC) campaign. Layon nating na mas mapatatag pa ito ng ating council para mas lumawak pa ang kaalaman ng mga kabataan sa kanilang karapatan. Dapat periodic din ang pagsagawa ng meetings ng council upang matugunan ang bawat isyu ng sektor. Ilan lang ‘yan sa mga aktibidad ng local council,” banggit ni Seronay. 

 

May Child-Friendly Audit ring isinasagawa kung saan masusuri dito ang rating ng performance ng mga LGUs kabilang ang mga barangay base sa kanilang accomplishments. (JPG/PIA-Caraga)