(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Monday, December 27, 2021

Mga kabataan sa Butuan City nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng TUPAD program ng DOLE

LUNGSOD NG BUTUAN -- Nasa 380 na mga kabataan ang nakatanggap ng cash assistance mula sa Tulong Hanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), isang cash-for-work assistance na programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Engr. Wen Kok Lim Chiang I
Mga piling full-time students at mga estudyanteng nagtatrabaho part-time mula sa mga barangay ng Banza, Bobon, De Oro, Golden Ribbon, Lemon, Mahay, Mahogany, Maug, Tagabaca, at Tiniwisan ang dumako sa Brgy. Golden Ribbon covered court Lunes, Disyembre 27, upang tanggapin ang cash assistance na nagkakahalaga ng PhP3,200.

Naglaan ang national government ng PhP1.2 million para sa naturang pangkat ng mga benepisyaryo na pinakinabangan ng 75 na mga kabataang residente mula sa Barangay Golden Ribbon; 35 na mga kabataan mula sa mga barangay ng Banza, Bobon, De Oro, Lemon, Mahogany, at Maug; 36 na mga kabataan mula sa mga barangay ng Mahay at Tiniwisan, at 34 na mga kabataan mula sa Barangay Tagabaca.


Ang naturang inisyatibo ay pinangunahan ni dating Sangguniang Kabataan (SK) Federated president at kasalukuyang SK chairperson ng Brgy. Golden Ribbon Engr. Wen Kok Lim Chiang II na pormal na hiniling sa Tanggapan ng Pangulo sa pamamagitan nina Senator Christopher Lawrence "Bong" Go, DOLE secretary Silvestre Belo III at USec. Victor Del Rosario na isama sa mga benepisyaryo ng TUPAD ang mga kabataan. Kasama ni Chiang ang iba pang mga puno ng SK sa ibang rehiyon sa pagsulong ng proyektong ito.  

Ayon sa kanya, mahalaga ring mabigyan ng dagdag na tulong ang mga kabataan lalo pa't marami din sa mga kabataan sa syudad ang nagtatrabaho na.

"Majority po sa mga kabataan at nagtatrabaho. Kahit sila din po ay naapektuhan sa pandemiya, sa sakuna, so nagpapasalamat po talaga kami dahil yung allocation for the last quarter sa TUPAD, nabigay po sa mga kabataan natin," giit ni Chiang.

Isa sa mga nakatanggap ng naturang tulong ay ang anak ni Leogina Sacro, residente ng Brgy. Tiniwisan. Isang working student ang 15 anyos na anak ni Sacro, nagtatrabaho bilang katulong sa kanilang mga kamag-anak. Sa kasagsagan ng pandemiyang dulot ng COVID-19, napilitang tanggalin ng kanyang mga kamag-anak ang kanyang anak dahil na din sa kakapusan ng perang pambayad.

Dagdag nito ang paglisan ng kanyang asawa na isa sa mga naghahanapbuhay sa kanilang pamilya. Umaasa na lamang sila ngayon sa kaniyang panganay na drayber ng isang pampublikong sasakyan.

Kaya naman nang marinig niyang makakatanggap ng cash assistance ang kanyang anak, laking tuwa ng ina at para bang naibsan kahit papaano ang kanilang problema.

"Kahit papaano po, malaking tulong po ito sa amin, sa aming lahat. Salamat po sa lahat ng tulung-tulong para sa mga naapektuhan sa pandemiya," ani ni Sacro.

Nagpahayag din ng pasasalamat at suporta ang mga SK chairpersons sa mga napiling barangay sa pamahalaan dahil na din sa tulong na ibinahagi nito sa kanilang kapwa kabataan.

"Malaki po ang pasasalamat namin sa pamahalaan na binigyan kami ng oportunidad na kumita para naman may magamit kami sa aming pangaraw-araw na pangangailangan. Masaya kami na nararamdaman namin ang pagaaruga ng ating gobyerno sa pamamagitan ng programang ito," ani ni Chrisna Jane Ebale, SK chairperson ng Brgy. Maug.

"Naghihirap din po kasi kami dahil sa pandemiya at natutuwa po talaga kami na hindi nila kami pinabayaan," dagdag niya.

Bagama't hindi pa sigurado kung kailangan ang susunod na paghahandog ng cash assistance, ayon kay Chiang, may aasahan pang tulong ang mga kabataan sa susunod na mga buwan.

"Dahil sa limitado lang yung slots natin, hindi kayang mabigyan ang lahat ng 86 barangays sa syudad. Hopefully in the future, mabigyan po natin yung ibang barangays," ani ni Chiang.  

Niyaya din niya ang kanyang kapwa kabataan na aktibong makilahok at sumuporta sa mga inisytabo ng SK. Pinaalalahanan din niya na tiyak na may dadating na tulong kung magtitiyaga lang silang hingin ito.

"Help will always be available to each and everyone. We just need to approach the government especially on the barangay level, ang ating mga Sangguniang Kabataan, kasi nasa kanila po ang inisyatibo na humingi ng budget sa national government," giit ni Chiang.

"Aminado po na hindi sufficient ang pondo on the barangay level kaya po we really need to strengthen our ties with the national government kasi may mga programa pong pwede pala natin maexplore, kagaya nitong TUPAD, na pwede din pala makatulong sa mga kabataan," dagdag niya.

"Rest assured that marami pang mga programa para sa mga kabataan from the national government." (DMNR/PIA-Caraga)