Mga Agusanon nakinabang sa serbisyo ng pamahalaan sa selebrasyon ng 18-day campaign to end VAW sa Agusan del Norte
LUNGSOD NG BUTUAN -- Sa selebrasyon ng 18-day campaign to end Violence Against Women (VAW) sa Agusan del Norte, nakipagtulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Health Office, Technical Educations Skills Development Authority (TESDA) at mga partner agencies.
Mahigit 200 empleyado sa probinsya at mga partner agencies ang nakinabang sa libreng anti-flu vaccine at iba’t-ibang serbisyo gaya ng libreng massage, manicure, pedicure, at iba pa.Sa pagbubukas ng selebrasyon, nilagdaan ng mga opisyal ng probinsya ang Memorandum of Agreement (MOA) hinggil sa Safe Spaces Act kung saan nakatutok ang theme ng selebrasyon sa taong ito na "Filipino Marespeto: Safe Space Kasali Tayo."
Nagsagawa rin ng volleyball tournament, quiz bee, Orange Your Icon contest at ang dance contest na Babae Bumangon Ka 18-day campaign period.
Ayon kay Provincial Administrator Jerry Joey Laurito, ang probinsya sa pangunguna ni Governor Dale Corvera ay lubos na sumusuporta sa isang violence-free workplace.
Para naman kay Geno Matondo, provincial social worker at Gender and Development (GAD) coordinator, mahalagang ipadama sa mga kababaihan ang kanilang kahalagahan at malaman din ng mga kalalakihan ang tamang pagrespeto para sa mga kababaihan.
Tugon din ni board member Elizabeth Marie R. Calo,ang End VAW ay hindi nagtatapos ang pag-obserba sa loob lamang ng 18 na araw ngunit ito ay isang continuing advocacy upang tuluyan nang matapos ang panlalait at pananakit sa mga kababaihan.
Ibinahagi din ni PSWDO chief Silver Joy Tejano ang kahalagahan ng respeto at pagmamahalan sa bawat isa para sa mas payapang pamumuhay. (NCLM/PIA-Agusan del Norte)