(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 26 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.7 meters).


Monday, January 10, 2022

Nagtatrabaho ang gobyerno natin: RDRRMC chief

LUNGSOD NG BUTUAN -- "Nagtatrabaho po ang gobyerno natin." 

(RDRRMC) chairperson Liza Mazo
Ito ang pahayag ni Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) chairperson na si Liza Mazo sa isinasagawang disaster response ng pamahalaan sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Caraga Region. 

Ayon sa kanya, nagiging hadlang man ang transportasyon dahil sa mga hindi pa rin madaanan na mga daan o ang walang tigil na pag-ulan sa iba't-ibang parte ng Caraga matapos manalasa ang bagyo, tuluy-tuloy pa rin ang paghahandog ng tulong. 

"As far as logistics is concerned, ang OCD (Office of Civil Defense) nagfacilitate talaga ng mga transport and even warehousing.. lahat para mapabilis ang delivery of relief assistance to the destination, especially the island provinces, Dinagat Islands, Siargao, and even mainland Surigao del Norte," dagdag niya. 

Mahigpit na nakikipagtulungan ang OCD sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas o AFP para sa mabilisang pagpapaabot ng tulong sa pamamagitan ng iba't-ibang assets ng AFP kagaya ng mga vehicles, sea vessels, at aircraft. 

Dahil dito, araw-araw din naipapadala ang mga relief goods, ayon kay Mazo, pwera na lang kung binabawalan ang paglayag ng mga maliliit na sea vessels dahil sa gale warning. 

"Yung ating target ay mareach ito sa mga community at matransport ito everyday." 

Aktibo din ang Kagawaran ng Kalusugan o DOH sa pagmamahagi ng serbisyo medikal sa mga residente. 

Mag mga quad teams na dineploy sa mga bayan ng Burgos, Dapa, Del Carmen, General Luna, Pilar, San Benito, at San Isidro sa Siargao Islands; sa mga munisipyo ng San Jose, Dinagat, Basilisa, Cagdianao sa Dinagat Islands; at sa lungsod ng Surigao upang matugunan ang pangangailangan mga apektadong residente kagaya ng mga medisina, pagsisisguro sa kalinisan ng tubig, at pyschosocial support.

Dahil sa pagkawasak ng mga ospital sa mga apektadong lugar, nagpatayo ng field hospitals para makapag-abot ng emergency medical services at hospital treatment. 

Nangunguna din ang Department of Social Welfare and Development, bilang vice chairperson ng RDRRMC-Regional Disaster Response Committee (RDRRMC-RDRC), sa pamamahagi ng food and non-food augmentation, pamamahala ng mga internally displaced na mga residente, at maging nang mga nabawian ng buhay. 

Paglilinaw ng hepe ng RDRRMC, matapos ang bagyo, walang tigil ang pagseserbisyo ng mga response agencies at maging nang mga organisasyon na naghandog ng iba't-ibang tulong.

"Araw-araw yan, walang pahinga, even 24 ng gabi and New Year, New Year's Eve, walang tulugan, walang pahinga... no letting down, even from the start." (DMNR/PIA-Caraga)