24 Active cases ng COVID-19, naitala
sa Tandag City
LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur -- Inanunsiyo noong Biyernes ni Tandag City Mayor Roxanne Pimentel na wala pang nangyayaring surge ng COVID-19 dito sa lungsod.
Mayor Roxanne Pimentel |
Gayunpaman, naging mahigpit ang paalala ngayon ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Pimentel para sa lahat ng mga Tandaganons na sundin palagi ang mga minimum public health standards laban sa nasabing sakit.
Ito ay bahagi umano sa mga paghahanda sa posibleng surge nito sa darating na mga araw dahil na sa presensya ng Omicron variant sa bansa.
Ipinaintindi nito sa publiko na ang pagkalat ng virus ay magdedepende sa kung gaano kadisiplinado ang bawat isa sa pagsunod sa mga health protocol kontra COVID-19.
Inabisuhan rin ni Mayor Roxanne ang lahat ng mga tao na hindi pa bakunado sa COVID-19 vaccines na magpabakuna na sa lalong madaling panahon. Habang ang mga fully vaccinated naman ay hinikayat rin na magpabakuna na ng booster dose. (Raymond Aplaya, DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)