Pagbabakuna kontra COVID-19 sa Surigao Sur, higit
pang pinaigting matapos itaas sa 100% ang target population
LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur - Dahil nasa
200,000 indibiduwal pa ang hinahabol ng Department of Health (DOH) sa Surigao
del Sur para mabakunahan matapos makuha ang inaasintang herd immunity,
doble-kayod ngayon ang isinasagawang turukan kontra COVID-19 hindi lang sa
primary series kundi pati na rin sa booster shots.
Ayon kay Dr. Glynna Andoy, hepe ng Provincial
Health Team (PHT) Office ng DOH, nakuha na ng probinsya ang katumbas ng 70% sa
kabuuang populasyon subalit kinakailangan pang bakunahan ang 200,000 na mga
eligible na residente alinsunod sa bagong kautusan ng DOH na itaas sa 100% ang
target population.
Kasabay ng patiyak na sagana ang supply ng bakuna, paulit-ulit din ang panawagan ni Dr. Andoy sa publiko na tangkilikin ang hakbang bukod sa laging tumalima sa minimum health protocols. (Greg Tataro, Jr., DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)