(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Monday, January 31, 2022

Iba’t-ibang sektor sa probinsya ng Agusan del Sur nagkaisa para sa ‘Project Buhay sa Kalikasan’

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Nagsagawa ng Tree Planting activity sa pangunguna ng Agusan Media Club at Philippine National Police (PNP) bilang kontribusyon sa pagpapanatili ng maayos na kalikasan at maaliwalas na kapaligiran.

Ayon sa PNP-Agusan del Sur, layon ng iba't-ibang sektor na maprotektahan ang Mt. Magdiwata na siyang pinagkukunan ng tubig sa lugar. 

“Nagpapasalamat kami na naging parte ang PNP sa tree planting activity na ito. Ang Mt. Magdiwata na siyang pinagkukunan natin ng tubig ay mahalaga, kaya naman ang PNP ay committed na protektahan ito,” ani ni PCol. Ruben Delos Santos, dating provincial director ng PNP-Agusan del Sur.

May ilang kabataan ang sumama kagaya ng magpinsan na sina Samantha at John Ruiz dahil naniniwala sila na mapapakinabangan din nila ito at maging ng susunod na henerasyon.

“Masaya po ako na nakasali ako sa tree planting na ito,” ani ni Samantha Ruiz.

“Umaasa po ako na lalaki pa ng ilang taon itong mga seedlings na aming itinanim,” banggit naman ni John Ruiz.

Nakilahok din ang ilang representante mula sa pribadong sektor. 

“Hindi lang po ito para sa amin, kung hindi pati rin po sa aming mga anak at mga apo sa susunod pang henerasyon para rin po maprotektahan ang ating kalikasan at ang ating watershed area,” pahayag ni Mari Cris Inson na mula sa pribadong sektor.

Ibinahagi rin ni Richard Grande, presidente ng Agusan Media Club, na naging tradisyon na ng iba’t-ibang sektor sa probinsya na magtanim ng mga punla malapit sa watershed.

“Ang pagtatanim ng puno ay buhay. Ang pagprotekta sa Mt. Magdiwata ay buhay. Kung may mga punong kahoy, may mapopondo na tubig at marami pang ibang magandang naibibigay nito sa atin,” sabi ni Grande. (JPG/PIA-Agsuan del Sur)