(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 23 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY TROPICAL DEPRESSION LOCATION: 165 KM WEST OF KALAYAAN, PALAWAN (10.8°N, 112.8°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 55 KM/H GUSTINESS: UP TO 70 KM/H MOVEMENT: NORTHWESTWARD AT 10 KM/H 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Lifgt to Moderate winds coming from East toSoutheast will prevail with light to Moderate (0.6 to 2.5 meters).


Friday, February 11, 2022

Tatlong rebeldeng NPA sa Agusan del Norte, sumuko sa gobyerno

LUNGSOD NG BUTUAN -- Tatlong regular members na naman ng New People's Army (NPA) na nagnanais magkaroon ng mapayapang buhay ang nagbalik-loob sa gobyerno dala-dala ang kanilang mga armas sa 29th Infantry Battalion, Philippine Army.

Kahirapan ng buhay sa bundok, walang katuparang pangako, at pagmamahal sa pamilya ang naging dahilan ng kanilang pagsuko.

Si alyas Zhia, vice commanding officer at political instructor ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) 16B, Guerilla Front 16, North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC), sumurender kasama ang kanyang amang si alyas Jing at kasamahang si alyas Dondon.

Ayon kay alyas Zhia, hinkayat sila ng kanyang ina na sumuko at mabuhay na ng payapa.

Dahil sa hirap ng buhay sa bundok at sa kagustuhang mabigyan ng maayos na buhay ang anak, napilitan ding sumuko si alyas Dondon.

Isa ding nabubulok na bangkay ng vice commanding officer ng NPA na kinilalang si Elmer Delarmente ang hinukay ng mga sundalo kasama ang pulisya sa Barangay Maraiging, Jabonga, sa tulong ng isang dating kasamahan nito sa kilusan. Namatay umano si Delarmente sa bakbakan sa naturang barangay at iniwan ng mga kasamahan.

Nanawagan naman si 29IB commanding officer Lt. Col. Jason M. Saldua sa mga nalalabi pang NPA na sumuko na sa gobyerno.

Samantala, narekober naman ng 23rd Infantry Battalion ang mga high-powered firearms at mga materyales na pinagmamay-ari ng mga CPP-NPA-NDF matapos ang dalawampung minutong bakbakan sa Sitio Tud-ol, Barangay Tungao sa lungsod ng Butuan. (NCLM/PIA-Agusan del Norte)