(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Tuesday, February 8, 2022

Lokal na pamahalaan ng Butuan City, hinikayat ang mga barangay na kumita sa pamamagitan communal vegetable garden

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Sa layong matulungan ang mga residente sa mga barangay na magkaroon ng arawang kita, hinikayat ng lokal na pamahalaan ng Butuan City ang kanilang mga mamamayan na magkaroon ng communal vegetable garden na malaking tulong sa kanilang kabuhayan lalo na ngayong may pandemiya. 

Ayon kay Engr. Pierre Anthony Joven, Butuan City Agriculturist, sa simula palang ng COVID-19 pandemic taong 2020 ay nagplano na agad ang local government unit ng intervention para matugunan ang kawalan ng trabaho at kabuhayan ng mga apektadong residente. 

Sa pamamagitan ng programang AgriBoost, mas magiging madali na ngayon ang pagbenta ng mga gulay sa mga establisyemento mula sa communal garden ng iba't-ibang barangay o ng mga vendors. 

“Para sa mga tabuan vendors, mayroon tayong ibinibigay na technology and capacity development upang maging mas maayos at organisado ang kanilang pagbenta ng mga gulay.  Napag-alaman din natin mula sa mga vendors na problema nila sa pang araw-araw kung saang lugar naman nila pwedeng maibenta ang kanilang mga na-harvest na gulay nang hindi sila nagsasabay-sabay," ani ni Joven. 

Nasa 81,000 hectares ang lupain ng Butuan City at kalahati nito ay nakalaan sa agriculture at fisheries. Kailangan aniyang palaguin pa ang vegetable production dahil 20% pa lamang ang nai-poproduce nito sa lungsod. 

“Kaya naman ang programang Agriboost ay nakatutok sa produksyon ng gulay para mapalago ito at maraming sektor ang matulungan. Kailangan talaga nating palaguin pa ang produksyon ng gulay at para maging handa rin tayo sa kahit ano mang krisis," dagdag ni Joven.

Nasimulan na rin ang "Gulay sa Komunidad" sa mga barangay kaya nararapat na maipagpatuloy ito at maka-produce ng iba't-ibang klase ng gulay na mabilis mabenta sa public markets.

Matatandaan na napabilang ang lungsod ng Butuan sa 15 na mga syudad sa buong mundo na nanalo sa 2021 Bloomberg Philanthropies' Global Mayors Challenge at kinilala ng buong bansa dahil sa mga inisyatibo nito para sa mga local farmers. (JPG/PIA-Caraga)