Mining sector malaking tulong na marekober ang ekonomiya sa kabila ng pandemiya
LUNGSOD NG BUTUAN -- Malaki ang tulong ng mining industry upang tuluyang makarekober ang ekonomiya sa kabila ng COVID-19 pandemic, ito ay ayon kay Atty. Wilfredo Moncano, ang director ng Mines and Geosciences Bureau (MGB)-Manila.
Sa ginawang media forum on mining concerns sa Caraga Region, iprenesenta ng mga mining firms ang kanilang mga priority projects na inaasahang makakatulong sa pagbabalik angat ng ating ekonomiya at makapagbibibgay-hanapbuhay sa ating mga mamamayan lalo na sa Caraga Region.
Ayon pa ni MGB-Caraga regional director Larry Heradez, tinututukan nila ang mga mining companies ng rehiyon upang mapanatiling maayos ang operasyon ng mga ito.
Kung kaya’t nananawagan si Caraga Chamber of Mines president Engr. Corsino Odtujan sa mga small scale mining firms na maging bahagi at magparehistro upang matulongan sila sa kanilang technical at maayos na pamamaraan ng pagmimina.
Panawagan ni director William CoΓ±ado ng Environmental Management Bureau (EMB) na maging responsible lamang tayo sa ating pagmimina upang mapanatili nating ligtas at maayos ang ating kapaligiran, dahil mahalaga ang pagkakaroon ng isang ligtas na pamayanan. (NCLM/PIA-Caraga)