(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Monday, February 28, 222

DOT Caraga inilunsad ang "Caraga Na!" bilang bagong tourism tagline sa rehiyon

Ni Jennifer P. Gaitano

BUTUAN CITY -- Mas pinaigting ngayon ng Department of Tourism (DOT) ang mga hakbang para palaganapin ang turismo at mas makilala pa ng lubusan ang mga tourist destinations sa Caraga region.

Ayon kay DOT Caraga regional director Nelia Arina, sa pamamagitan ng bagong tagline na “Caraga Na!”, kanilang palalaganapin ang mga tourist destinations na tiyak na kagigiliwan ng mga turista sa "new normal". 

“Ito ay isang paraan ng ahensiya upang mas mapalaganap pa ang domestic tourism sa rehiyon. Nais nating maging ligtas ang pagbiyahe at pag-diskubre ng mga turista sa mga magagandang lugar dito sa Caraga sa kabila ng COVID-19 pandemic,” ani ni Arina.

Ipinaliwanag din ni Junesther Jean Valdez, tourism operations officer ng DOT Caraga, ang ibig sabihin ng tagline na “Caraga Na!”. Ayon sa kanya, hango sa salitang “gana” o kaakit-akit ang mga lugar sa rehiyon na dapat na madskubre ng mga turista. May iba’t-ibang aktibidad din sa mga tourist destinations.

Tiwala si Director Arina na lalago pa rin ang turismo sa rehiyon kahit patuloy ang COVID-19 pandemic.

May mga protocols ding ipinatutupad para mapanatili ang seguridad ng mga turista, sa tulong na rin ng iba't-ibang sektor at organizations lalo na sa isinasagawang disaster response at tourism recovery interventions sa mga lugar na madalas na dinarayo tulad ng Siargao Island.

Tiniyak din ng nasabing ahensiya na patuloy nilang tinutulungan ang mga apektadong manggagawa sa tourism sector upang maibalik na rin sa normal ang nakasanayan nilang trabaho. 

Inaasahan ng ahensiya na sa bagong tagline na "Caraga Na!", mas dadami pa ang mga turista, investments, at tataas pa ang employment rate sa tourism sector. (JPG/PIA-Caraga)