Turn-over ng fire trucks, matagumpay na isinagawa sa SurSur
LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur -- Matagumpay na nai-turn-over sa limang fire stations sa Surigao del Sur ang tig-iisang fire truck mula sa pamahalaang nasyonal, matapos ang isinagawang blessing at ceremonial turn-over ng mga ito sa Surigao del Sur Sports Complex sa Tandag City.
Tinanggap ng mga kinauukulang opisyal mula sa mga fire stations at lokal na pamahalaan ng Tandag City, Bislig City, mga bayan ng Tago, Bayabas, at San Agustin ang nasabing mga sasakyan.
Dinaluhan ng mga imbitadong opisyal ang aktibidad, kabilang sina Bureau of Fire Protection (BFP) Caraga Assistant Regional Director for Administration SSupt. Peter Sean Anthony Atup at Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel.
Lubos ang pasasalamat ni Governor Pimentel para sa mga nasabing fire trucks dahil matagal na itong hangarin ng mga alkalde at mga residente sa probinsya.
Ang mga
nasabing fire trucks ay bahagi ng pagsusumikap ng BFP na gawing modernisado ang
kanilang mga kagamitang pamatay-sunog. (John Cuadrasal, DXJS
RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)