(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Sunday, 22 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Tuesday, March 15, 2022

Mga punong barangay sa Nasipit, nagpaabot ng testimoniya sa mga programa ng Duterte admin

LUNGSOD NG BUTUAN -- Naging emosyonal ang pagtitipon ng mga punong barangay at iba pang lokal na opisyal sa Nasipit, Agusan del Norte nang ibinahagi nila ang mga magagandang programang kanilang naranasan sa ilalim ng administrasyong Duterte, kung saan nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang buhay maging ng mga constituents.

Sa isinagawang Duterte Legacy Campaign: Barangayanihan Caravan Towards National Recovery noong Lunes, Marso 14, sa Brgy. Triangulo, mangiyak-ngiyak si Junic Saballa, isa sa mga natulungan ng Duterte Legacy habang ibinahagi niya ang benepisyong natamasa ng kanyang asawa sa tulong ng programa ng Commission on Higher Education (CHED) kaya ito nakapagtapos ng pag-aaral. Ayon sa kanya, hindi man siya nabigyan ng pagkakataon noon na makapagtapos, masaya siya dahil natupad naman ang ambisyon ng kanyang asawa. 

“Malaki ang aking pasasalamat kay President Rodrigo Roa Duterte dahil pangarap namin ng aking asawa na makapagtapos ng pag-aaral sa tulong ng Unifast-CHED, at least sa aming mag-asawa may nakapagtapos ng pag-aaral. Bilang representante ng mga kabataan, sana ay mas mapalaganap pa ang adbokasiya ng gobyerno lalo na sa mga Sangguniang Kabataan,” ani ni Saballa.

Sa kampanya naman laban ilegal na droga, binigyang-diin ni Punong Barangay Calvin Pasaon, na dati rati ay hindi naman sila gaano ka-aktibo, hindi tulad ngayon na may aksyon agad dahil na rin sa mahigpit na direktiba ng pangulo na masugpo ang problema sa droga.

“Dahil dito sa seryoso na war on drugs ni President Duterte, ang mga kapulisan at ang barangay officials ay nagkaisa. Nagkaroon kami ng tapang dahil sa koneksyon namin sa pulis kaya malaki ang naitulong ng barangay at pulis sa war on drugs kaya sana ay maipagpatuloy ito sa susunod pang mga administrasyon,” banggit ni Pasaon.

Ang naturang caravan ay pinangungunahan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

“Itong mga legasiyang ito, hindi ito magiging epektibo kung hindi rin dahil sa inyong aktibong suporta at partisipasyon. Kayo ang dahilan kung bakit may gobyerno,” mensahe ni PCOO ASec. Jusan Vincent Arcena. (JPG/PIA-Caraga)