(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Wednesday, 9 March 2022

Mga natatanging kababaihan mula sa iba't-ibang sektor Caraga Region, kinilala ng mga ahensya ng pamahalaan

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Pinarangalan ng Regional Development Council - Regional Gender and Development Committee (RDC-RGADC) Caraga ang mga natatanging kababaihan sa iba't-ibang larangan, kasabay ng Women's Summit dito sa lungsod.

Pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI), kasama ang Department of Agriculture (DA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Commission on Population (POPCOM), at RDC-RGADC Caraga ang pagkilala at pagbigay ng plake sa mga ‘Outstanding Women’ dahil sa kanilang mahalagang kontribusyon sa pag-unlad ng sektor sa rehiyon. 

Isa si Raffy Vigil, manggagawa mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga sa mga nakasaksi sa nasabing okasyon at binigyang-diin ang kahalagahan ng mga kababaihan lalo na sa mga tahanan maging sa mga opisina.

"Mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng mga kababaihan sa ating lipunan. Malaki ang kanilang naiaambag sa iba't-ibang aspeto ng ating buhay. Maging sa ating mga tahanan at opisina, malaki ang kanilang naiaambag kaya naman nararapat din na respetuhin natin ang kanilang karapatan at isulong ang kanilang kapakanan," ani ni Vigil.

Ayon kay RGADC chair at OIC-Regional Human Rights Director Atty. Aurora Luanne Cembrano-Ramos, patuloy ang aktibong partisipasyon ng mga kababaihan sa komunidad sa kabila ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) pandemic.

“Ating hinihikayat ang lahat ng mga kababaihan na maging aktibo sa komunidad at sa pagbahagi ng kanilang expertise o kahusayan sa anumang aspeto. At ngayong nalalapit na May 2022 elections, umaasa tayo sa kanilang partisipasyon at pumili sila ng mga nararapat na kandidato at mapakikinggan din ang boses ng mga kababaihan,” pahayag ni Ramos.

Naging panauhing pandangal si Commissioner Karen Lucia Gomez-Dumpit, Focal Commissioner on Women's Rights and Gender Equality ng CHR, sa nasabing okasyon.

Hinikayat nito ang mga kababaihan na patuloy na maging matatag sa harap ng mga hamon sa lipunan at maging kapaki-pakinabang sa kani-kanilang larangan.

Naging makabuluhan din ang pagtitipon ng mga kababaihan dahil sa mga learning session ng nasabing summit. Nagkaroon din ng mga libreng serbisyong hatid ng mga ahensya ng pamahalaan kabilang na ang medical services ng Department of Health (DOH), beauty care services ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philsys registration ng Philippine Statistics Authority (PSA), at marami pang iba.

Ang Women's Summit ay bahagi ng taunang selebrasyon ng buwan ng mga kababaihan na ngayon ay may temang "We Make Change Work for Women: Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran!" (JPG/PIA-Caraga)