Organic farming isinusulong ng AgSur LGU sa pamamagitan ng Agri-Tourism
NI Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD NG BUTUAN -- Layon ngayon ng lokal na pamahalaan ng Sibagat, Agusan del Sur at Municipal Tourism Office na lalo pang umusbong ang turismo sa lugar at makilala bilang organic farm site.
Ayon kay Irene PeΓ±as, Municipal Tourism Officer, bukas ang kanilang tanggapan para magabayan ang mga grupo o indibidwal na nais mahasa sa pagpapalago ng organikong pagsasaka ng iba’t-ibang pananim.
PeΓ±as |
Handa ang kanilang tanggapan kasama ang Municipal Agriculture Office sa farm visits, “pick-and-eat” ng mga sariwang prutas o gulay, at educational learning session ukol sa organic farming.
May gagawing pagsasanay din para sa mga residente upang makatulong din sila sa inisyatibong ito.
“Magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng Sibagat ng mga pagsasanay tulad ng community tour guiding, Filipino branding, at magkakaroon din ng mapping para sa pagpapatatag ng indigenous practices,” ani ni PeΓ±as.
Ipinagmalaki naman nina Pedro at Allan ang kanilang nakukuhang benepisyo mula sa organic farming.
“Naging interesado ako sa organic farming dahil nalaman ko ang mga benepisyo nito. Maliban sa may sarili ka ng pinagkukunan ng pagkain, at ‘yung surplus value nito ay pwede mo ring ibahagi sa iyong kapwa, kapitbahay at maging source of income,” pahayag ni Pedro Fenis, Jr., gardener mula sa Brgy. Poblacion, Sibagat, Agusan del Sur.
“Para sa mga tulad kong nagpapalago ng chicken farming, ipagpatuloy natin ang organikong pagsasaka dahil maliban sa ligtas ito, marami din itong naibibigay na benepisyo,” banggit din ni Allan Perez, Jr., presidente ng Sibagat Organic Farmers Association.
Evangelista |
Tiniyak naman ni Mayor Maria Liza Evangelista na patuloy ang kanilang ibinibigay na tulong teknikal para sa mga residente upang mapabuti pa ang kanilang pananim at mas kumita pa.
“Nasimulan na sa mga barangay ang ating family farms program bilang parte sa implementasyon ng organic farming culture dito sa atong lungsod, dahil naniniwala tayo para masigurong may sapat na pagkain ang ating mamamayan, kailangan nating palaguin din ang mga maliliit na family farms,” ani ni Mayor Evangelista. (JPG/PIA-Agusan del Sur)