(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Friday, April 1, 2022

Mga IP na nanay sa Agusan del Norte, napasaya ng community outreach program ng RGADC

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Dama ng mga ina ng tahanan sa indigenous peoples (IP) community ng Barangay Mahayahay sa Kitcharao, Agusan del Norte ang malasakit ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan sa Caraga Region para sa kanilang sektor sa isinagawang community outreach program sa kanilang lugar.

Iba’t-ibang libreng serbisyo ang kanilang nabenepisyo tulad ng medical checkup at mga regalo mula sa mga ahensiyang bumubuo sa Regional Development Council – Regional Gender and Development Committee (RDC-RGADC) Caraga tulad ng food at grocery packs, bigas, seedlings, IEC (information, education and communication) materials, mini solar lights, coloring books, sapatos para sa mga bata, at iba pa. Maging ang kanilang mga anak ay nakinabang rin sa mga programang hatid ng gobyerno.

Isa si Melody Bago, isang mamanwa na may dalawang anak, at residente ng Purok-6 Brgy. Mahayahay, Kitcharao, Agusan del Norte ang naluha habang nagpapasalamat sa mga biyayang kanyang natanggap.

“Nagapapasalamat po ako sa mga regalo na natanggap namin ngayon. Hindi ko po inaasahan na maraming magbibigay sa amin ngayon tulad po nitong dental kits, food packs, bigas, at sapatos. malaking tulong na po talaga ito sa amin,” ani ni Bago.

“Maraming salamat po sa mga nagbigay regalo. Malaking tulong po ito sa aming pamilya,” dagdag naman ni Leah Mae Bandigan, na residente rin sa nasabing barangay.

Pinuri rin ni Punong Barangay Mario Magsanay ang mga kababaihan lalo na ang mga ina na siyang ilaw ng tahanan sa kanilang pagsisikap at pag-aaruga sa pamilya sa kabila ng mga hamon sa buhay. Hinikayat din niya ang mga ito na mas maging matatag at ipagpatuloy ang mga magagandang gawain sa kani-kanilang komunidad.

Ibinahagi naman ni Dr. Maria Linda Mercado, Dentist III, Oral Health Program coordinator at Senior Citizens Program coordinator ng Department of Health (DOH) Caraga, na mahalaga ring matutukan ang kalusugan ng mga kababaihan at mga ina ng tahanan dahil may mga pagkakataon aniyang nakakalimutan nitong magpakonsulta o di kaya ay binabaliwa nalang para makaiwas sa gastos dahil marami ring kapamilya ang umaasa sa kanila.

“Nais po ng ating ahensiya na makatulong sa mga kababayan nating IPs dito sa Kitcharao upang malaman din po nating nag kanilang kondisyon lalo na ang kanilang kalusugan at maibigay sa kanila ang kanilang pangangailangan,” banggit ni Mercado. (JPG/PIA-Caraga)