Mga kabataan sa Caraga Region, hinihikayat na magsimula ng kanilang negosyo sa tulong ng programa ng DOST
Ni Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD NG BUTUAN -- Sa kanyang pagbisita sa Caraga Region, hinikayat ni Secretary Fortunato De La PeΓ±a and mga sector lalo na ang mga kabataan na makinabang sa programa ng Department of Science and Technology (DOST) para makapagsimula ng kanilang sariling negosyo.
De La PeΓ±a |
Taong 2019 nang magsimula si Kit Gresos sa kanyang negosyo, ang kilalang Papelamanto Visual Arts and Scenography sa lungsod ng Butuan. Gumagawa sila ng mga souvenirs, plake at iba pang likha gamit ang mga makabagong teknolohiya at makinaryang makatutulong na mas mapapadali ang kanilang produksyon.
Si Gresos ang pinakabatang micro, small and medium enterprise (MSME) owner sa Butuan City na nakakuha ng pondo sa ilalim ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) ng DOST.
Sa pagbisita ni Sec. De La PeΓ±a, ibinahagi ni Gresos ang mga kinailangang mapagdaanang pagsasanay para mas mapabuti pa ang kanilang negosyo.
“Dati-rati wala kaming inventory system. Labas-pasok lang ‘yung orders. Naisip namin na pwede palang gawin namin ‘to and mas organisadong pagtala ng mga incoming at outgoing sales. Kailangan pala naming gawin ‘to para ma-track ang mga orders. At sa panahong ‘yun, nagkaroon kami ng savings na almost PhP200,000 kasi may mga nakatambak lang doon na stocks,” ani ni Gresos.
Tiniyak naman ni Sec. De La PeΓ±a na patuloy ang mga magagandang programa ng DOST na malaking tulong para sa mga sektor lalo na sa mga kabataang may interest sa larangan ng siyensya at teknolohiya.
Samantala, binisita rin ni De La PeΓ±a ang Caraga State University (CSU) at Father Saturnino Urios University (FSUU) sa Butuan City, ang dalawang malalaking unibersidad sa rehiyon na kasalukuyang may mga proyektong pinunduhan ng ahensiya.
“Ang Caraga State University ang isa sa aking pinagmamalaki sa ating mga SUCs sa buong Pilipinas dahil nakita ko yung pag-angat ng CSU sa nakalipas na panahon, at ‘yan ay isang napakalaking pagkilala,” banggit ni Sec. De La PeΓ±a. (JPG/PIA-Caraga)