(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 05 February 2025) Northeast Monsoon affecting Luzon. Easterlies affecting the rest of the country. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Thursday, May 5, 2022

Mga manggagawa sa pribadong sektor sa Caraga Region, nanawagan ng dagdag sahod

Ni Jennifer P. Gaitano

 

LUNGSOD NG BUTUAN -- Patuloy ang nagsusumikap na mga manggagawang Caraganon sa pribadong sektor para may kita sa pang-araw araw at matulungang umangat ang mga negosyo ng kanilang kompanya sa kabila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Kasabay nito, nananawagan din sila ng dagdag sahod sa kakarampot nilang kita.

Sa isinagawang Public Hearing on Minimum Wage na pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) Caraga sa lungsod ng Butuan, naging maayos ang pag uusap sa pagitan ng management sector at ng labor sector ng rehiyon.

 

Isa si Ignacio Cupin, union president ng Richmond Plywood Corporation sa rehiyon, ang umapila ng dagdag sahod dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng bilihin.

 

"Nagtaas na halos lahat ng bilihin pati ang gasolina kaya panahon na rin para magdagdag ng sahod para sa labor sector. Dagdag sweldo na kayang maibigay ng employers,” ani ni Cupin.

 

Ibinahagi ni DOLE Caraga regional director Atty. Joffrey Suyao, board chairperson ang kahalagahan ng public consultation upang marinig ang saloobin at hinaing ng labor sector maging ng management para mas maging maayos at matiwasay ang relasyon ng dalawang panig.

 

Ayon pa sa kanya, ngayon lang ulit nagkaroon ng face-to-face na public consultation dahil na rin sa pandemic kung saan halos aktibidad ng ahensiya ay nasa online.

 

“Mahalagang marinig ang inyong mga boses dahil magkakaroon ito ng epekto sa ating mga employer, employees, maging sa socio-economic status ng ating rehiyon,” pahayag ni Suyao.

 

Sa huli, nagkasundo ang mga sektor sa 5% na dagdag sweldo mula sa PhP320 na kasalukuyang minimum wage nito. Magpapalabas din ng pinal na desisyon ang board matapos ang May 2022 elections. (JPG/PIA-Caraga)