Animal disease molecular laboratory ng DA, binuksan sa Caraga region
LUNGSOD NG BUTUAN -- Mas mapapadali na ang surveillance at detection ng mga animal diseases sa Caraga region dahil sa pagbubukas ng Animal Disease Molecular Laboratory ng Department of Agriculture (DA) sa Barangay Taguibo, Butuan City ngayong buwan.
Naniniwala si DA Caraga regional executive director Engr. Ricardo M. OΓ±ate, na ito ay malaking tulong upang lalo pang maisulong ang livestock industry ng rehiyon, maging ang kalapit lugar nito at sa buong bansa.
“Ang naranasan natin noon na tatakbo pa tayo sa GenSan, Cagayan at central office para sa mga samples natin, ngayon ang mga diseases kagaya ng african swine fever, hog kolera, avian influenza lahat dito na masusuri,” ayon ni director OΓ±ate.
Ang nasabing pasilidad ay isang katuparan upang mas maiangat pa ang kaalaman ng ahensya lalo na ang kapasidad gamit ang Real-Time Polymerase Chain Reaction o RT-PCR.
Ayon kay Dr. Esther CardeΓ±o, ang hepe ng Regional Animal Diagnostic Laboratory ng DA Caraga, ang diagnoses technique ay pwedeng mag-identify ng bacteria at Viral Deoxyribonucleic Acid o DNA at Ribonucleic Acid o RNA.
Ayon kay Dr. CardeΓ±o, “this is not just an indentification of the virus, bacteria or any parasite but we are dealing on the dna level of diagnosis.”
Dagdag pa ni CardeΓ±o, sa pamamagitan ng molecular laboratory, maari na silang makapagbigay ng laboratory services para sa African Swine Fever, Classical Swine Fever o Hog Cholera, Avian Influenza, Porcine Parvo Virus, Porcine Respiratory Syndrome, Contagious Bovine Pleuropneunomia at Surra.
Ang molecular laboratory ay magbibigay serbisyo at makatutulong sa mga farmers at hog raisers at pati na rin sa mga studyante at researchers.
“Malaking tulong ito para sa lahat ng magsasaka at sa kabuuang mamamayan sa Caraga region,” dagdag ni director OΓ±ate.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 7.2 million pesos. (NCLM, PIA Caraga)