(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 28 November 2024) Northeast Monsoon affecting Eastern section of Northern Luzon. Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Intertropical Convergence Zone (ITCZ). Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Monday, June 06, 2022

Kawanggawa ng PNP at Media para sa mga residente sa malayong barangay sa Agusan del Sur

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Mahirap man ang kalagayan ng mga residente lalo na ng nasa malalayong barangay dahil sa coronavirus disease-2019 (COVID-19) pandemic, hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa dahil hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagpapa-abot ng tulong ng gobyerno kasama ng iba pang sektor sa kani-kanilang lugar. 

Isa na dito ang Barangay Sabang Gibong sa Talacogon, Agusan del Sur kung saan kailangan pang lakbayin sa pamamagitan ng bangka ang nasabing lugar. 

Hindi nagdalawang isip ang kawani ng Philippine National Police (PNP) sa Agusan del Sur kasama ang Agusan Media Club sa pagbigay ng relief assistance at nagsagawa ng Community Outreach Program para sa mga residente doon. 

Dahil dito, laking tuwa ni punong barangay na si Felifa Goloran, dahil sa regalong hatid ng PNP at Agusan Media Club sa kanilang mga residente. Tumanggap sila ng food packs, nutri-bun at chocolates naman para sa mga bata. 

Ang Barangay Sabang Gibong ay madalas nakararanas ng pagbaha kaya nawawalan rin ng kuryente. 

"Maraming salamat sa tulong na ipinagkaloob ng Agusan del Sur Police Provincial Office dito sa aming lugar. Sana ay magpatuloy po ang inyong pagbigay tulong sa amin," ani ni Goloran.

Binigyang-diin naman ni Police Colonel Jovito Canlapan, acting provincial director, na handa ang PNP hindi lamang sa pagsiguro sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan, maging sa pagbigay tulong nito sa mga nangangailangan. (JPG/PIA-Agusan del Sur)