Miyembro ng CTG patay sa sagupaan laban sa kasundaluhan sa SurSur
CARMEN, Surigao del Sur - Sa isang engkwentrong naganap sa pagitan ng mga kawani ng 36th Infantry (Valor) Battalion at terorristang grupo sa kabundukan ng Lahi, Bagsac, Madrid nitong ika-22 ng Hunyo 2022, isang membro ng teroristang NPA ang nalagasan ng buhay.
Sa naturang engkwentro, nakasagupa umano ng 36IB ang tinatayang 12 miyembro na kalaban na pinamumunuan ni Noel Tumarlas Alacre.
Natunton ng mga kasundaluhan ang kinalolooban o pansamantalang ng naturang aramadong grupo, dahil sa tulong ng mga sibilyan, na pinaalam agad ito.
Matapos ang bakbakan, agad na tumakbo papalayo ang mga armadong NPA at pinabayaan ang kanilang namatay na kasamahan.
Naiwan nila ang isang (1) M16 na riple, dalawang (2) M16 magasin na mayroong apatnapu’t limang (45), 5.56mm na bala, mga personal na kagamitan, mga subersibong dokumento, tatlong (3) backpacks, mga kagamitang pang-medisina, at ilang kagamitan at sangkap na pang-luto.
Sa pahayag ni Lt. Col. Michael Rey S. Reuyan, pinuno ng 36IB, nagpapasalamat siya sa tiwala ng mga sibilyan na tumukoy sa lokasyon ng armadong grupo.
“Taos puso kaming nagpapasalamat na kasundaluhan ng 4ID sa pagbibigay ng impormasyon sa presensya ng armadong grupo. Dahil sa inyong tulong at kooperasyon ating naitawid ang ating kampaya laban sa insurhensiya,” pahayag ni Lt. Col. Reuyan.
Nanawagan din ang opisyal sa iilang natitira pang miyembro ng NPA, na huwag matakot, bagkos sumuko na ang mga ito sa gobyerno at ibaba na ang kanilang armas. Hinikayat din umano nito ang mga teroristang grupo na may nakalaang programa ang gobyerno para dito.
“May programa tayong maaring makatulong sa inyong hinaing gaya ng Enhanced Local Integration Program (E-CLIP). Huwag na tayong magpapabulag at magpapalinlang sa kasinungalingan ng CPP-NPA-NDF.” diin pa ni Lt Col. Reuyan.
Sa kasalukuyan patuloy pa ang pakikipag ugnayan sa pamilya ng namatay, habang inaayos ang bangkay nito na nakahimlay na sa puerarya na. (NGPB/ Lt. Shirly Fatima Lim, 36IB CMO/PIA-Surigao del Sur)