Mga adoptive cooperative sa ilalim ng Koop Kapatid Program, 11 na
LUNGSOD NG BUTUAN -- Nadagdagan ang adopted cooperatives ng ACDI Multipurpose Cooperative sa ilalim ng Koop Kapatid Program ng Cooperative Development Authority o CDA.
Ito’y makaraang makibahagi sa paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa
pagitan ng ACDI at CDA ang pitong karagdagang kooperatiba sa seremonyang
isinagawa sa Gateway Hotel sa Surigao City, Surigao del Norte, kanina.
Kasama sa naturang aktibidad ang Caraga Aquaculture Producers Cooperative mula
Buenavista; Tagmamarkay Coconut Farmers Agriculture Cooperative mula
Tagmamarkay, Tubay, Agusan del Norte; Fishermen's Cooperative of Consolacion ng
Consolacion, Dapa, Surigao del Norte; Talavera Multipurpose Cooperative ng
Talavera, Tagana-an, Surigao del Norte; Community Credit Cooperative; Don Ruben
Ecleo Multi-Purpose Cooperative ng San Jose, Province of Dinagat Islands, at
Garcia Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative ng Sta. Monica, Surigao del
Norte.
Dahil dito, mayroon ng 18 adopted cooperatives ang ACDI sa ilalim ng Koop
Kapatid Program.
Una nang lumagda ang ACDI sa isang partnership sa 10 kooperatiba mula Visayas
at isa sa Luzon bilang suporta sa programa ng CDA. (PR/PIA-Caraga)