(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Sunday, 22 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Thursday, July 21, 2022

Mga frontline workers mula sa iba't-ibang sektor nagkaisang matuto ng Basic Sign Language

LUNGSOD NG BUTUAN -- Sa layong mas matugunan ang pangangailan ng mga Persons with Disabilities (PWD) o taong may kapansanan, nagkaisa ang mga frontline workers mula sa iba't-ibang sektor sa caraga region para matuto ng Basic Sign Language.

Ito ay sa tulong ng Regional Committee on Disability Affairs (RCDA) na pinangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga.

Para kay Police Lieutenant Colonel Marife Farol, Assistant Regional Community Affairs and Development Division at focal person for PWDs ng Police Regional Office-13, isang oportunidad ang makalahok sa ganitong pagsasanay na malaking tulong sa kapulisan lalo na sa mga imbestigador na siyang humahawak ng kaso ng mga PWD.

Ayon kay Major Farol, sa tuwing may mga kleyente silang pepe at bingi, umaasa lamang sila sa tulong ng social worker upang makuha ang mga detalye at impormasyon dahil na rin sa kakulangan ng kaalaman sa sign language.

"Sa katunayan, may plano na kaming magsagawa ng Basic Sign Language para sa aming mga imbestigador nang sa ganoon ay agad kaming makapag-communicate sa mga PWDs at maintindihan ang kanilang mga hinaing o reklamo, at nang hindi na rin kami kukuha pa ng social worker na marunong mag-sign language," ani ni Farol.

Mas epektibo rin para kay Bryan Ramon, House Parent II ng DSWD-Rehabilitation Center for Youth sa Agusan del Sur ang kanyang kaalaman sa sign language dahil mas napapalapit ang loob ng kanilang mga kleyenteng may kapansanan dahil madali itong nakakapag-usap sa kanila.

"Talagang malaking tulong ang basic sign language sa amin dahil marami kaming naha-handle na mga batang may kapansanan - yung deaf at mute, at mas madali na rin kaming makapag-usap maging sa mga kakilala naming PWDs," pahayag ni Ramon.

Ayon naman kay Darrylie Molina, Special Education (SPED) Teacher, na siyang naging resource person sa nasabing training, mas magiging maayos at payapa ang komunidad kung ang lahat ng sektor ay marunong ng basic sign language at mas magiging makabuluhan din ang mga serbisyo ng gobyerno para sa mga PWDs.

"Dahil nais nating ipatupad ang isang inclusive development para sa lahat, kaya mas mabuti ring may alam tayo kahit sa basic sign language para alam din nating kung paano matugunan ang special needs o pangangailangan ng mga taong may kapansanan," banggit ni Molina.

Samantala, hinikayat din ni Elsa Jamora, Project Development III at Sectoral Unit Head ng DSWD Caraga ang mga partisipante na ibahagi ang kanilang natutunan sa iba at maging epektibo sa paganap ng kanilang tungkulin bilang frontline workers.

“Umaasa tayo na mas makatulong tayo sa ating mga PWDs sa pag-promote ng kanilang kapakanan at Karapatan lalo na ngayong mas mapapadali na ang ating komunikasyon dahil alam na natin ang basic sign language,” ani ni Jamora. 

Parte ng ika-44th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week celebration ang isinagawang Basic Sign Language Training. (JPG/PIA-Caraga)