(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 23 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY TROPICAL DEPRESSION LOCATION: 165 KM WEST OF KALAYAAN, PALAWAN (10.8°N, 112.8°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 55 KM/H GUSTINESS: UP TO 70 KM/H MOVEMENT: NORTHWESTWARD AT 10 KM/H 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Lifgt to Moderate winds coming from East toSoutheast will prevail with light to Moderate (0.6 to 2.5 meters).


Thursday, June 30, 2022

NANIE Special Economic Zone sa Agusan del Norte, sisimulan nang e-develop sa tulong ng PEZA

LUNGSOD NG BUTUAN -- Maisasakatuparan na ang mahigit dalawampung taong hinihintay ng mga Agusanons, dahil sisimulan na ang  pag-develop ng Nasipit Agusan del Norte Industrial Estate o NANIE, ang 62-hectare special economic zone sa lungsod ng Nasipit, Agusan del Norte.

Sa ginawang signing of the deed of grant of usufructuary right, hinikayat ni Philippine Economic Zone Authority o PEZA director general BGen. Charito B. Plaza ang mga residente na magkaisa upang makaingganyo ng maraming investors.

Ayon kay BGen Plaza, malaking tulong kasi ang mga ito upang mas lalo pang umunlad ang ekonomiya sa probinsya. “Dahil sa inyong pagkakaisa, umaasa kami sa PEZA na magtulungan tayo para mapadali ang mga locators,” tugon ni Plaza.

Nananawagan din si BGen Plaza sa mga local government units na mag-identify  ng kani-kanilang potential economic zones pero hwag kalimutang  protektahan ang ating kalikasan. “Ang aking adbokasiya ay ating imbitahin ang lahat ng local government unit, because every LGU has a potential economic zone,” dagdag ni BGen Plaza

Ayon kay vice governor Ramon A.G. Bungabong, upang mas maisulong pa ang development ng NANIE, nagpasa ng mga resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Agusan del Norte, at sa tulong na din ng mga line agencies, local government units at ang PEZA na maipagpatuloy na maisakatuparan ang mga ito. “We have passed several resolutions to boost the NANIE program. The latest of which is sanggunian resolution no. 515-2021,” tugon ni Bungabong.

Hinikayat din ni Nasipit mayor Enrico Corvera na magtulungan upang maging progresibo ang Nasipit at ang probinsya ng Agusan del Norte.

Ayon ni mayor Corvera, “Ito na siguro ang simula para sa ating probinsya at sa Nasipit na maging progresibo dahil masisimulan na natin ang ating pinapangarap na industriyalisasyon sa ating kumunidad.” (NCLM, PIA Agusan del Norte)