HIV: Tamang Edukasyon Laban sa Diskriminasyon
LUNGSOD NG BUTUAN -- Kasabay ng selebrasyon ng International Youth Day, binisita noong Agosoto 12, 2022 ng grupo ng mga kabataan mula sa Democrito O. Plaza Memorial Hospital (DOPMH Young Adolescent Team) ang Regional Rehabilitation Center for Youth Caraga (RRCY-Caraga) para magsagawa ng Health Session patungkol sa nagkakataasang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa rehiyon.
Ang nasabing session ay pinangunahan ni Bb. Geraldine Mosquera at aktibo namang kinalahokan ng mga personahe at residente ng naturang pasilidad. Isa sa mga diskusyon na tumatak sa isipan ng mga dumalo ay kung papaano ang tamang komunikasyon at tamang edukasyon sa mga pasyenteng may HIV.
Ani ng speaker, ang HIV ay isang sakit na kinakailangan ng medikal na atensyon, hindi ito nararapat na gawing sentro ng diskriminasyon kung kaya’t mas mainam na maagang malaman ng mga kabataan ang wastong pagiwas sa mga bagay o gawain na makakadulot nito - ika nga “prevention is better than cure”.
Bago pa man matapos, nagbigay ang mga bisita ng mga kagamitan pang-sports katulad ng bola para sa volleyball, badminton rackets, at chess board bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng pisikal na mga aktibiti.
Mensahe ng ahensya, nawa’y ito na ang maging simula ng magandang relasyon ng Center sa karatig nitong ospital at sa iba pang posible nitong maging partner. (DSWD-Caraga/ PIA-Agusan del Sur)