17 former rebels ng Agusan del Norte matatanggap na ang kanilang bahay
LUNGSOD NG BUTUAN -- 17 former rebels sa probinsya ng Agusan del Norte kabilang sa unang makikinabang sa housing program ng National Housing Authority (NHA) na itinayo sa lupang pagmamay-ari ng probinsya sa pamagitan ng draw lots para sa kanilang matatanggap na bahay.
Isa itong katuparan sa pangako ng gobyerno para sa mga former rebels na gusto ng mabuhay ng payapa at tahimik kasama ang mga mahal sa buhay, ayon kay provincial administrator Elizabeth Marie R. Calo.Si Ren, may isang anak, excited na sa kanyang magiging tahanan kasama ang mga mahal sa buhay. Anya malaki ang pagbabagong nangyari sa kanyang buhay mula ng magbalik sya sa gobyerno at mararanasan na niya ang mabuhay ng tahimik kasama ang pamilya, kabaliktaran sa magulong buhay noong siya ay kasapi pa ng terorismong grupo.
Dahil naisakatuparan na maggsilbi ng tapat sa gobyerno, si Elvis Sublay, isang Mamanwa at walong taong naging myembro ng CPP-NPA, ay isa ng sundalo sa ngayon, malaking pasalamat sa gobyerno at nanawagan sa mga dating kasamahan na magbalik loob narin upang maranasan din nila ang kanyang naranasan suporta mula sa gobyerno, makapagbagong buhay kasama ang pamilya at mamuhay ng payapa at tahimik.
Ang mga nasabing unang 17 housing units na pinondohan ng national housing authority na nagkakahalaga ng tig 450,000 pesos ay itinayo sa barangay del pilar sa Cabadbaran City.
Ayon ni NHA Caraga regional manager Erasmi Madlos, may susunod pa na 34 na units na nasimulan ng maproseso para na din sa second batch na former rebels, at may susunod pa hanggang makompleto ang 109 housing units sa nasabing lugar.
Kamakailan lang din ay natunton ng mga kasundaluan ng 29th Infantry Battalion (29IB), Philippine Army ang mga nakatagong high powered firearms ng mga NPAs kaya’t positibo si Col. Jason M. Saldua, ang battalion commander ng 29IB, na marami na sa ating mga kakabayan at pati na rin mga myembro ng CPP-NPA ang unti-unti ng namulat sa mga kasinungalingan at terorismong gawain kaya’t marami na ang nagbigay tulong impormasyon sa mga sundalo hinggil sa kanilang gawain. (NCLM/PIA Agusan del Norte)