Bone screening at medical assessment para sa mga PWD, isinagawa sa Agusan del Norte
LUNGSOD NG BUTUAN -- Dumagsa sa libreng bone screening at medical assessment ang ating mga kababayang persons with disabilties o PWDs sa Agusan del Norte na isinagawa ng Tebow Cure Hospital sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Umabot sa 238 PWDs ang natulungan sa naturang libreng serbisyo.
Ayon kay Tebow Cure Hospital social services director Rosemarie Baco, pumunta sila sa iba’t ibang local government units upang tumulong sa mga nangangailangan. Anya, marami kasi ang mga taga Caraga na pumunta sa kanilang hospital kaya’t binisita nila at inuna ang probinsya ng Agusan del Norte, sumunod ang Agusan del Sur at Surigao del Sur.
Malaking pasalamat naman ang mga naka-avail, dahil malaking tulong ito sa kanila. Maliban sa libreng operasyon, libre din ang transportasyon ng mga pumasa sa screening sa gagawing operasyon.
Umaasa din si Edmar Pimontil ng Cabadbaran City, Agusan del Norte na sana ay marami pa silang matulungan na kagaya nyang PWD.
Malaking pasalamt din ni Maria Alyssa Intong ng Barangay Comagascas, Cabadbaran City sa natanggap na libreng Serbisyo at umasa din na sana ipagpatuloy nilang ibigay na libre ang ganitong klase ng mga Serbisyo.Nagpasalamat din si Agusan del Norte PSWDO chief Dr. Silver Joy Tejano sa Tebow Cure Hospital sa pagpili sa kanilang probinsya para mabigyan ng kanilang libreng serbisyo at sa PWD leaders, focal persons at mga municipal social welfare and development officers sa pag-alalay at gabay sa ating mga kababayan.
Kabilang sa mga mabibigyan ng libreng operasyon ay ang 177 harelip o cleft palate, 17 hernia, at 44 orthopedic.
“Kabilang sa ating mga beneficiaries ang mga zero to 18 years old na may problema sa kanilang katawan with regard to bone related deformities o merong problema din sa cleft lip or cleft palate ‘yung mga ganun,” ayon ni Tejano. (NCLM, PIA Agusan del Norte)