Manobo IPs sa Las Nieves, Agusan del Norte, nabigyan ng iba’t ibang serbisyo at pangangailangan
LUNGSOD NG BUTUAN -- Masayang sinalubong at tinanggap ng mahigit dalawang daang tribo ng mga Manobo ng Sitio Subait, Barangay Bonifacio sa bayan na Las Nieves, Agusan del Norte ang 15 na ahensya upang magbigay sa kanila ng iba’t ibang serbisyo at maghatid ng kanilang pangangailangan kasama na ang medical, family planning at marami pang iba sa pamamagitan ng Kalinga Alay sa Katutubo: National Commission for Indigenous Peoples Caraga Service Caravan.
Aminado si Hawodon Tandawon Armando Una, ang Indigenos Peoples Mandatory Representative sa bayan ng Las Nieves ang kahalagahan sa mga indigenous peoples na mabisita at mabigyan ng atensyon upang mas maranasan nila ang presensya ng gobyerno sa kanilang lugar.
Si Novelyn Aballe, gustong mabigyan ng maayos na pamumuhay ang mga anak at tamang agwat ang panganganak ay nag-avail ng family planning consultation at nabigyan ng ‘depo’ at pills at biningyan din ng libreng immunization ang anak.
Dahil sa nasabing service caravan, sa wakas makakuha na rin si Buenalisa Britania ng kopya ng birth certificate para sa kanyang mga anak at maiwasto na rin ang kanilang lehistro dahil tutulongan sila ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Laking pasalamat din ni NCIP Caraga regional director Ordonio Rocero, Jr. sa mga ahensya na nagbigay ng serbisyo sa kapya nya indigenous people, mahalaga at nakapagbigay saya sa kanila.
Nagbigay din ang 100 kabataan ng mga libreng tsinelas, payong at kagamitan sa pag-aaral. Nagbigay din ng libreng gupit at tanggal ‘kuto’ ang Philippine National Police Agusan del Norte, at libreng tuli naman galing sa Philippine Army ang mga kabataan sa lugar. (NCLM, PIA Agusan del Norte)