Art with a Heart exhibit hinggil sa breastfeeding makikita sa isang mall sa Butuan
LUNGSOD NG BUTUAN -- Bilang suporta at paggunita sa Breastfeeding Awareness Month, isang Art with a Heart Exhibit dubbed as ‘Pag-pagpanga’ ang makikita simula noong August 17 hanggang 30 sa SM City Butuan kung saan iba’t ibang obra ng mga myembro ng Agusan Artists Association ay kasama sa nasabing exhibit.
Layunin ng Agusan Artists Association ayan kay Ronnie Rudinas, ang kanilang spokesperson na maipakita ang kahalagahan ng breastfeeding sa pamaamagitan ng arts.
Ang Agusan Artists Association ay nagsimula noong december 21, 2019 upang maipakita at maipadama ng Agusan at Butuan visual artists ang kanilang kakayahan, serbisyo, at mas mapaunlad ang kanilang cultural artistry at para narin sa kanilang proffessional growth.
Nanawagan din si Frank Melgar, ang SM City Butuan public relations officer na bumisita sa pag-pangga exhibit na nasa third level ng nasabing mall. Anya ito ay isa sa mga programa ng SM cares upang ma-ipromote ang kahalagahan ng pagpapasuso ng mga ina at maayos na kalusugan ng mga kababaihan pati na rin ang kanilang mga sanggol.
Dagdag pa ni Melgar, may nakalaan ding breastfeeding station ang mall na matatagpuan sa second level, at komportableng magpasuso ang mga nanay habang sila ay nasa mall. (NCLM, PIA Caraga)