29th IB kinilala ang kontribusyon ng mga kasundalohan at stakeholders
LUNGSOD NG BUTUAN -- Bilang pagkilala sa kagitingan at kontribusyon ng mga kasundaluhan at mga stakeholders upang makamit ang kapayapaan sa bansa, binigyang parangal ng 29th Infantry Battalion (29IB), Philippine Army ang dalawang sundalo ng meritorious promotion dahil sa kanilang kagitingang ipinakita sa pakikipaglaban sa labin-limang (15) myembro ng Communist New People's Army Terrorists (CNTs) sa sitio Tinago, Barangay Baleguian, Jabonga, Agusan del Norte noong December 17, 2020 na ikinamatay ng dalawang terorista, at pagkarecover ng kanilang mga armas.
Kasama sa pinarangalan sina Private First Class Albert T. Cardiente at Private First Class Oscar T. Tolentino, na kapwa Corporal simula noong May 30, 2022.Nagpasalamat si Corporal Cardiente sa pagkilala sa kanilang kontribusyon at pagbigay parangal sa kanila.
Naging highlight din sa recognition ng 29IB sa taong
2022 ang Battalion’s Best CAFGU Active Auxilliary, Best Battalion’s Best
Enlisted Personnel at Battalion’s Best Company, at ang mga ahensyang tumulong
upang makamit ang adhikain at kapayapaan sa probinysa ng Agusan del Norte at ng
buong bansa.
Nagpasalamat din si Col. Jason Saldua, commanding officer ng 29IB sa patuloy na suporta ng iba't-ibang sektor na kanilang battalion.
Samantala, patuloy din ang panawagan ni governor Maria Angelica Rosedell M. Amante sa mga Agusanon upang mahinto na ang mga gawain ng mga teroristang NPA at makamit ang pangmatagalang kapayaan sa probinsya at sa buong bansa. (NCLM, PIA Agusan del Norte)