PRC ADN-BC Chapter, patuloy ang pagbibigay trainings sa mga kabataan
LUNGSOD NG BUTUAN -- Patuloy pa rin ang pagbibigay ng iba’t-ibang trainings lalo na sa mga kabataan ang Philippine Red Cross Agusan del Norte-Butuan City (PRC AND-BC) chapter kung saan umabot na sa mahigit isang libo ang nakinabang nito.
Isa si William Cupay sa mga kabataang nakapagtapos ng Standard First-Aid trainings kung saan ipinagmamalaki nyang nakapagbigay ito ng malaking tulong sa kanyang adhikain na makapagbigay serbisyo lalo na ang pagtulong sa mga nangangailan sa panahon ng emergencies at sakuna kung sakaling maranasan ito sa ating lugar.
Dahil sa malaking tulong na naidudulot sa ating komunidad ang pagkakaroon ng kasanayan lalo na ang pagiging first aiders, hinikayat ni Alger Boter, ang chapter administrator ng PRC AND-BC ang mga kabataan at pati na rin ang mga gusto pang matuto na mag-avail sa trainings ng Red Cross upang maging handa tayo sa lahat ng panahon.
Samantala, patuloy din ang ginagawang mobile blood donation activites ng PRC AND-BC Chapter sa iba’t-ibang lugar pati na sa mga malls, kaya’t inaanyayahan din nya ang gustong magdonate na bumisita at makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan. Hanggang sa buwan ng Agosto, umabot na sa 6,257 units of blood ang nakolekta ng chapter.
Ang mga ginagawang trainings at mobile blood donations ng Red Cross ay sumusunod sa standard health protocols lalo na’t may banta pa rin ang COVID-19 sa ating bansa. (NCLM, PIA Agusan del Norte)