Local na produkto mula sa farmers coop, tampok sa ASPIRE
LUNGSOD NG BUTUAN -- Bilang suporta sa mga Farmers cooperative and associations at Micro-Small and Medium Enterprises sa Caraga region, isang Agribusiness Support for Promotion and Investment in Regional Exposition o ASPIRE ang inilunsad sa isang mall sa Butuan City na may temang “Strengthening Digital Marketing Towards Agribusiness Prosperity: Eat Local, Buy Local.
Isa itong trade fair kung saan ang iba’t-ibang exhibitors galing sa limang probinsya ng Caraga region ay nakilahok upang maipakita at ma-ipromote ang kani-kanilang mga produkto tulad ng agri-aqua products, at iba pang galing sa kanilang probinsya.
Sa nasabing trade fair ay nagkaroon din ng mga seminar sessions on agri-aqua technologies at pag-showcase ng iba’t-ibang talento.
Ayon kay Lyn PareΓ±as, ang chief ng Agri-Business and Marketing Assistance Division, malaki ang tulong ng ASPIRE sa mga cooperatives at entrepreneurs dahil dito nagkaroon sila ng platform para sa kanilang produkto.
Malaking tulong din ito sa local government units, dahil natulongan nila ang mga kooperatiba sa kanilang mga nasasakupan na ma-ipromote kung ano ang meron sa kanilang mga bayan.
Dagdag pa ni PareΓ±as ang ASPIRE ay nagbigay din ng impormasyon sa mga farmers at fisherfolk sa tamang paraan upang maka-avail ng loan sa mas mababang interest mula sa Department of Agriculture - Agricultural Credit Policy Council
Kaya’t hinikayat din ni PareΓ±as ang mga agri-fishery-based entrepreneurs na magregister sa Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Information System (FFEDIS) Program upang patuloy na mapalakas ang digital agriculture, isang web-based information system para sa group enterprises and entrepreneurs, upang maka-avail ng agri-fishery-based assistance gaya ng grant, loans at iba pang programa ng Department of Agriculture. (NCLM, PIA- Caraga)