Ilang kawani ng BJMP Caraga kinilala dahil sa kanilang mga natatanging kontribusyon sa ahensya
Ni Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD
NG BUTUAN -- Kasabay ng ika-27 anibersaryo ng Bureau of Jail Management and
Penology (BJMP) Caraga, kinilala ang ilang kawani ng ahensya dahil sa kanilang
mga natatanging kontribusyon at dedikasyon sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Isa
na rito si Jail Senior Superintendent Bernie Ruiz bilang Best Senior Jail
Officer Rank. Pinasalamatan niya ang lahat ng partner stakeholders sa kanilang
suporta sa mga adhikain ng ahensya at sa maayos na operasyon nito sa mga
piitan.
Kinilala
rin ang Agusan del Norte Jail Provincial Administrator bilang Best Provincial
Jail Administrator’s Office; maging ang Surigao del Norte District Jail bilang
Best District Jail; at Surigao City Jail bilang Best City Jail.
Tumanggap
din ng plake mula sa BJMP Caraga ang mga local government units at partner
stakeholders na may iba’t-ibang programa at serbisyo na ibinibigay sa mga
persons deprived of liberty (PDL) sa mga piitan mula sa iba’t-ibang city,
municipal, at provincial jails sa rehiyon.
Pinuri
rin ni BJMP Caraga regional director, Jail Chief Superintendent Jolly Taguiam,
Jr., ang tatlong tauhan ng BJMP na agad umaksyon sa naganap na Lianga District
Jail siege kung saan hindi nagtagumpay ang planong pagtakas ng mga pdl.
Tumanggap din sila ng medalya ng kabayanihan at na-promote sa kanilang trabaho.
Samantala,
pinaalalahanan naman ni BJMP chief, Jail Director Allan Sullano Iral, ang mga
kawani ng ahensya na huwag haluan ng personal na interes ang trabaho.
“Maging process-oriented po tayo at goal-oriented. Ang tatlong ito ay mahalaga – serbisyo bago ang sarili; kalidad na serbisyo; at paggawa nang Mabuti sa kapwa, ang kailangan natin upang makamit natin ang isang matatag na pamamahala sa mga piitan na siyang magdadala rin sa atin nang ligtas na lipunan. Magsisimula ito sa ating mga sarili may tamang perspektibo,” ani Dir. Iral. (JPG/PIA-Caraga)