(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 10 January 2025) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting the eastern sections of Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting Northern and Central Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to Moderate winds coming from East to Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Wednesday, October 12, 2022

DILG chief nanawagan sa mga NPA sa Caraga region na sumuko na sa gobyerno

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Nanawagan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary, Atty. Benjamin Abalos, Jr. sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Caraga Region na sumuko na ito sa gobyerno at makinabang sa mga benepisyo mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

“Huwag kayong mag-alala, meron tayong pamahalaan na sumbungan ninyo. Ang pamahalaan na dapat tumugon sa mga pangangailangan ninyo. ‘Yan ang pamahalaan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., pagkatandaan niyo ‘yan. At ang sumasalamin dito ang Gobernador, Congressman, Mayor, Vice Mayor, Barangay captain, ating mga sundalo at kapulisan, at lahat kami,” ani Sec. Abalos.

Kasabay ito sa isinagawang Awarding Ceremony ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) assistance para sa mga former rebels at turn-over ng malalaking proyekto sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP) na idinaos sa Prosperidad, Agusan del Sur.

Ang probinsya ng Agusan del Sur ang siyang may pinakamalaking bilang ng former rebels na sumuko na umabot sa 169 at ngayon ay nakikinabang na sa mga benepisyo ng pamahalaan.

Kabilang rin ang apat (4) na former rebels mula sa Agusan del Norte; dalawamput-apat (24) mula sa Surigao del Norte; at dalawa (2) naman sa Butuan City. Nasa kabuuang 199 former rebels ang iprenisenta sa naturang awarding ceremony ng E-CLIP assistance.

Isinuko rin ng mga former rebels ang kani-kanilang armas at nangakong tuluyan nang tatalikuran ang terrorist-NPA group.

“Tapos na ang araw na iisipin nyo ano ang mangyayari bukas – May pagkain ba ako? May makakalaban ba ako? Tapos na ang tinik dito dahil tayo ay nagsasama-sama na,” banggit ni Sec. Abalos.

Samantala, naturn-over na rin ang siyam (9) na proyekto sa ilalim ng SBDP kabilang na dito ang construction ng potable water system; upgrading of local access road; construction of health station; at marami pang iba. (JPG/PIA-Caraga)