Sitio Electrification Program matagumpay na ipinatutupad ng SURSECO-I sa SurSur, 529 kabahayan nakinabang
BISLIG CITY, Surigao del Sur – Matagumpay ang pagpapatupad ng Sitio Electrification Program (SEP) 2021 ng Surigao del Sur Electric Cooperative I o SURSECO-I na nakabase sa Segundo distrito sa Probinsya ng Surigao del Sur. Sakop nito ang isang syudad ng Bislig at ang apat munisipyo.
Batay sa ulat na ipinalabas ng SURSECO-I, umabot sa 18 na mga sitio na may 529 na kabahayan ang naging benepisyaryo ang nakinabang sa Sitio Electrification Program.
Sa ulat na ipinalabas, ang mga liblib na napailawan na ng kurente ay ang mga sumusunod:
● Limang (5) sitio na meron 95 household-beneficiaries sa Bislig City;
● Anim (6) na sitio na meron 205 household-beneficiaries sa munisipalidad ng Hinatuan;
● Limang (5) sitio na may 151 household-beneficiaries sa munisipalidad ng Tagbina;
● Isang (1) sitio na may 36 na household-beneficiaries sa munisipalidad ng Barobo; at
● Isang (1) sitio na merong 42 household-beneficiaries sa munisipalidad ng Lingig.
Ang Sitio Electrification Program ay naging posible sa pamamagitan ng National Electrification Administration (NEA), katuwang ang lahat ng electric cooperatives sa buong bansa upang maisakatuparan ang layuning pasiglahin ang pinakamalayong bahagi ng mga sitio at magbigay ng liwanag sa lahat. (NGPB/PIA-SDS)