BSP-Bislig City Associate Council naguna sa Tree Planting, mahigit 200 punla ng kahoy naitanim sa sa SurSur
BISLIG CITY, Surigao del Sur – Isang Tree planting activity ang matagumpay na isinagawa sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Scouting Month kamakailan sa Bislig City sa pangunguna ng Boy Scouts of the Philippines (BSP)-Bislig City Associate Council.
Ayon sa ulat, ginanap ang pagtatanim ng mga punla ng kahoy sa paligid ng Maria Regina Highland Farm & Resort, Brgy. San Fernando, Bislig City.
Ayon kay Gerry Popera, DepEd Bislig City Division Schools District Supervisor, and BSP Coordinator, isinasagawa ang nasabing aktibidad bilang pagpapahalaga sa mandato na “Greening the Environment”. Nakapagtanim ng mahigit 200 punla ng Lawaan, Mohogany at Apitong ang mga partisipante.
Sinabi ni Popera na nakiisang lumahok sa nasabing aktibidad ang Department of Education (DepEd) Bislig City Division, City ENRO Bislig, at Barangay Council ng San Fernando na pinamumunuan ni Jomar R. Salazar.
Samantala, ang buwan ng Oktubre ng bawat taon ay ang pagdiriwang ng Scouting Month na idineklara sa ilalim Presidential Proclamation No. 1326. (NGPB/May ulat mula kay A. AnoΓ±uevo/PIA-Surigao del Sur)
#ExplainExplainExplain #PIASurigaoSur