Disability Affairs offices ng probinsya ng Agusan del Norte, nakatanggap ng computer sets mula NCDA
LUNGSOD NG BUTUAN -- Patuloy ang suporta, pagtunton at pagrehistro ng mga persons with disabilities o PWDs sa probinsya ng Agusan del Norte upang mabigyan ng karampatang tulong at matugunan ang kanilang pangangailangan.
Sa tulong ng National Council on Disabilities Affairs o NCDA, binigyan ng tig-iisang desktop computer set ang bawat local government ng Agusan del Norte upang patuloy na marehistro ang lahat ng kanilang mga PWDs. Laking pasasalamat ni governor Maria Angelica Rosedell M. Amnate sa ibinigay na tulong ng NCDA, kaya’t hinikayat nya ang mga opisyales ng mga PWDs na magtulong-tulong upang matunton ang lahat na mga PWDs ng probinsya at magbigay ng up-to-date, kompleto at tamang impormasyon.Ayon kay Amante, mahalaga ang mga PWDs kayat karadap-dapat silang bigyan ng importansya at tamang atensyon.
Aminado din si Melchor Polea, ang PWD provincial federation president na may kakulangan pa ang kanilang mga ginagawa ngunit gagawin nila ang lahat upang maabot nila ang kapwa nila mga PWDs. Taos-puso ang kanyang pasasalamat sa NCDA, sa provincial government at sa Provincial Social Welfare and Development Office sa todong suporta na ibinibigay sa kanila.
Tinuruan din ang mga PWDs kung paano gamitin ang Philippine Registry Online for PWDs gamit ang bigay na computer set kung saan lahat ng mga PWDs ay nakatala.
Nangako din si NCDA executive director Joniro Fradejas na patuloy ang suportang ibibigay sa mga PWD sa probinsya at nangako din siya namakakatanggap din ng tablet ang mga studyanteng PWDs sa probinsya ng Agusan del Norte. (NCLM, PIA Agusan del Norte)