Kabataan sa Agusan del Norte aktibong nakilahok sa Provincial Children’s Congress
LUNGSOD NG BUTUAN -- Mahigit isang daang kabataang nasa edad sampu hanggang labing lima ang nakilahok sa Provincial Children’s Congress sa probinsya ng Agusan del Norte upang magkaroon ng dagdag na kaalaman hinggil sa kanilang karapatan at maging ng kanilang mga obligasyon sa lipunan.
Si juan David Pojas, labing limang taong gulang mula sa Cabadbaran City ang nagpahiwatig ng kanyang pasasalamat dahil sa pagbibigay sa kanila ng importansya at maging representasyon sa probinsya na talaga namang mahalaga para sa kanila.
Anya, sana bigyan ng importansya ng kapwa nya kabataan ang kahalagahan ng kabataan sa ating lipunan, sa kapaligiran at sa kapwa. Umaasa din si Pojas na magamit at maipakita ang kanilang mga Karapatan bilang kabataan.
Sa ginawang congress, pumili ang mga kabataan ng kanilang representante upang maipa-abot ang kanilang boses at ng makapagsilbi sa kapwa nila agusanons.
Si Jeanette Paredes, social welfare officer nag Provincial Social Welfare and Development Office ng Agusan del Norte ay masayang nakikita ang mga kabataan na aktibong nakikilahok sa ganitong mga gawain, anya, dahil dito makikita nila ang kanilang kahalagaan at makakatulong upang maging isang respinsableng kabataan sa lipunan.
Ang nasabing pagtitipon, ang mga kabataan ay nagkaroon ng mga workshops at presentasyon ng kanilang mga ginawang plano, ito rin ay nakatuon sa temang kalusugan, kaisipan, kapakanan ng bawat bata tutukan! (NCLM, PIA Agusan del Norte)