OFW Family Day handog ng OWWA Caraga
LUNGSOD NG BUTUAN -- Mahigit tatlong daang Overseas Filipino Workers o OFWs ng Caraga region at ang kani-kanilang pamilya ang masayang dumalo at nagdiwang sa inihandang OFW Family Day ng Overseas Workers Welfare Adminsitration o OWWA Caraga na ginawa sa Butuan City, kung saan aktibo silang nakipaghalobilo at sumali sa inihandang aktibidades ng ahensya. Ito’y isang tribute sa mga OFWs, maging sa mga nagbabakasyon lang o maninirahan na sa bansa.
Tiniyak ni OWWA Caraga OIC-regional director Ma. Ireen C. Cambaling na patuloy ang kanilang suporta sa kanila at hangad nito ang kanilang kapakanan.
Anya, napakalaki angtulong na naibigay ng mga OFWs sa ating bansa at karapat-dapay lamang na bigyan sila ng kahalagahan.
Hindi din inakala ni Mefraim Griel Wenceslao ng Barangay Florida, Butuan City na mabigyan siya ng tulong ng OWWA. Si Wenceslao isang taon lamang sa Qatar at tinulungang makabalik sa Pilipinas dahil na din sa banta ng COVID-19 sa kanyang buhay. nakatanggap sya ng puhunan upang makapagsimulang muli.
Masaya din si Annalie Apas ng Barangay Ong Yiu, Butuan City, isang returning OFW mula sa Saudi Arabia na nakapagcelebrate cya kasama ang kapwa nya OFWs at pamilya.
Sa ginawang OFW Family Day, binigyang papuri ang mga OFWs, nakisaya sa iba’t ibang kasiyahan, at paligsahang inihanda at nakatanggap din sila ng mga regalo mula sa OWWA at partner agencies. (NCLM, PIA Caraga)