ATI patuloy ang pagbibigay gabay sa mga magsasaka sa Caraga
LUNGSOD NG BUTUAN -- Mahigit isang daang magsasaka, mangingisda at maging mga learning site accredited operators ng Caraga region ang kakailan lang na binigyang gabay sa isinagawang Techno Gabay Program Summit sa Butuan City.
Layunin nitong mapalago pa ang pagsasaka at pangingisda sa rehiyon na pinangunahan ng Agricultural Training Institute o ATI.
Si Elvis dela Merced, isang magsasakang siyentista at isa ring learning site accredited operator ng San Jose, Dinagat Islands ay masayang ibinahagi ang kanyang matagumpay na karanasan bilang magsasaka. Anya napakahalaga ang tulong at suporta ng ATI sa patuloy niyang farm school. Dahil din sa kanilang tulong ay patuloy ang kanyang pagsasaka at ibinabahagi din nya sa iba ang kanyang mga natutunan at kaalaman.
Dagdag pa ni dela Merced, mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman kaya’t laking tulong ang programa ng ATI sa kanila.
Sa panig din ng ATI, ayon kay director Remelyn R. Recoter, patuloy silang magbibigay gabay sa mga magsasaka at kinilalang malaki ang kanilang kontribusyon sa ecokomiya ng bansa.
“Patuloy kaming (ATI) na gagabay sa ating mga magsasaka, sa teknolohiya, kaalaman at maging sa siyensya.
Sa ginawang summit, lahat ng partisipante ay aktibong nakilahok sa ginawang workshop, pagtalakay at benchmarking activity. (NCLM, PIA Caraga)