(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 02 January 2025) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Visayas, Mindanao, and Palawan. Shear Line affecting the eastern section of Northern Luzon. Northeast Monsoon affecting the rest of Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to Moderate winds coming from Northeast to East will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Monday, February 13, 2023

Mga sektor sa Butuan City nagkaisa sa isang bloodletting ng PRC

Ni Jennifer P. Gaitano

 

LUNGSOD NG BUTUAN -- Magmula sa iba't-ibang ahensya ng pamahalaan hanggang sa pribadong sektor, nagkaisa ang mga ito sa pag-donate ng dugo sa isinagawang bloodletting activity ng Philippine Red Cross Agusan del Norte-Butuan City Chapter kasama ang dxMB-95.1 Love Radio ng lungsod na matagal ng advocate sa blood donation.

 

Sa temang "Dugo Mo, Buhay Ko," higit dalawang daang indibidwal ang nagboluntaryong nagdonate ng dugo sa layon nitong makatulong sa mga nangangailangan.

 

Maliban sa pagtulong sa kapwa, may magandang epekto rin sa katawan ang naidudulot ng bloodletting na syang nagkombinse sa mga lumahok.

“Boluntaryo akong nagdonate ng dugo dahil alam kong malaki ang maitutulong nito sa mga nangangailangan. Alam ko ring may mabuting epekto ito sa aking katawan,” ani Limar Mata, blood donor mula sa 721st Navy Squadron Reserve.

 

Ibinahagi rin ni Atty. Johnson Reyes, Regional Director ng National Police Commission (NAPOLCOM) Caraga na suportado ng kanilang hanay ang ganitong aktibidad na makatutulong sa Philippine Red Cross at sa mga nasa ospital.

 

“Inimbitahan din natin ang Philippine National Police, Philippine Navy, at iba pang partners para lumahok dito at magbigay-suporta para maging successful ang bloodletting. Tulong-tulong ang iba’t-ibang ahensya para mas marami tayong makalap na blood donation,” pahayag ni Reyes.

 

Nagpasalamat din ang Philippine Red Cross Agusan del Norte-Butuan City Chapter sa taos-pusong suporta ng iba't-ibang sektor.

 

“Maraming salamat sa mga nag-volunteer at nag-donate ng dugo. Maraming buhay ang maisasalba nito. Umaasa tayo na marami pang gusting mag-donate,” sabi ni Christopher Joy Ampoon, Chapter Service Representative, PRC Agusan del Norte-Butuan City Chapter.

 

Nagpaabot din ng pasasalamat si Ester Elvisa Salazar-Palero ng Love Radio Butuan sa lahat ng sumuporta, lalo na at kasabay rin ito ng kanilang 31st anibersaryo ng estasyon, at taon-taon na nilang nakagawian ang pagsagawa ng bloodletting.

 

“Masaya talaga kami at patuloy na sumusuporta ang ating mga partners mula sa mga government agencies maging sa private sector. Marami po ang matutulungan ng mga nakoletang mga bag ng dugo mula sa ating donors,” ani Palero.

 

Nagbigay saya rin ang mga organizers sa mga lumahok  sa pamamagitan ng papremyo sa games at performances. (JPG/PIA-Caraga)