(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 02 January 2025) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Visayas, Mindanao, and Palawan. Shear Line affecting the eastern section of Northern Luzon. Northeast Monsoon affecting the rest of Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to Moderate winds coming from Northeast to East will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Wednesday, February 15, 2023

Last Mile Pilot Elementary Schools sa Butuan City, nakatanggap ng supplies at logistics

LUNGSOD NG BUTUAN -- Pitong elementary schools sa Butuan City na kabilang sa Pilot Last Mile Elementary Schools kung saan umabot sa halos isang daang supplies at logistics kasama na ang laptop, laminating machine, multimedia projector at marami pang iba ang kanilang natanggap mula sa Department of Health (DOH) para sa implementasyon ng Healthy Learning Institutions o Health Iskwela.

Isa ang Masago Elementary School sa barangay Maguinda, tatlumpong (30) kilometro ang layo mula sa lungsod ng Butuan sa pitong pilot last mile elementary school. 

Ayon kay Masago Elementary School head Crisanto Cajes, masaya sila dahil sa napakaraming supplies na kanilang magagamit, napakalaking tulong ito sa kanilang mga learners at pati na rin sa kanila na mga guro. “Maraming salamat sa DOH, sa Department of education (DepEd) at sa local government ng Butuan at napili kaming bigyan ng ganitong klase ng tulong, masaya kami dahil sobrang laking tulong ito sa amin,” tugon ni Cajes.

Dagdag pa ni Cajes, gagamitin at aalagaan nila ito ng maayos upang mas mapakinabangan ng matagal at makakatulong upang mapanatili ang kalusugan ng kanilang mga mag-aaral.

Ang pitong last mile pilot elementary schools ay bibigyan din ng mga interventions at emomonitor ng DOH, DepEd at ng local government unit upang maseguro ang tulong sa kanila. Sila ay prayoridad na matulongan dahil na rin sa rekomendasyon ng DepEd at ng local government unit.

Ang programa ayon kay DOH Caraga regional director dr. Cesar Cassion ay parte ng Oplan Kalusugan (OK) ng DepEd.

Kabilang din sa pitong last mile pilot elementary schools ang Tagkiling Tribal Indigenous Elementary School; Datu Ecleo Elementary School; Datu Man-oloy Tribal Elementary School; Mahayag Elementary School; San Juan Elementary School; at Tud-ol Elementary School. (NCLM/PIA Caraga)