ICRC may sub-delegation office na sa Butuan City
Ni Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD NG BUTUAN -- Kaagapay ng Philippine Red Cross (PRC) ang International Committee of the Red Cross (ICRC) sa pagresponde at pagtulong sa mga nangangailangan saan mang lugar.
At ngayong opisyal ng may sub-delegation office ang ICRC sa lungsod ng Butuan, mas accessible at mapapadali na rin ang koordinasyon nito sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno at partner stakeholders.
Ayon kay Boris Michel, Head ng Philippine Delegation ng ICRC, napakahalaga ang bawat ginagawang hakbang ng ICRC lalo na pagdating sa koordinasyon ng kanilang mga partners para mas maging maayos at organisado ang kanilang operasyon lalo na sa mga conflict-affected areas.
"Without strong ties with the authorities and government agencies at the national level, there is difficulty in collaboration with the same entities down to the regional level. That's why it's necessary to closely coordinate properly with the concerned agencies as we deliver our humanitarian mission," ani Michel.
Binigyang-diin din ni Michel ang kahalagahan ng International Humanitarian Law (IHL). "With the International Humanitarian Law, everyone's rights should be respected and protected. We help those in the government and those on the other side. We see to it that we are able to protect their lives,” dagdag ni Michel.
Umaasa naman si Elvis Dzanic, Head ng Butuan Sub-Delegation Office, na mas makikilala pa ng publiko ang misyon at hangarin ng icrc lalo na sa pagtulong nito sa mga komunidad.
"If you see us roaming around your community, we are bringing help to people and we look forward to having good working relationships as well with our partners,” banggit ni Dzanic.
Samantala, kompleto ang kanilang team mula sa admin, communications, health, livelihood at marami pang iba, na handang tumogon at rumesponde sa komunidad. (JPG/PIA-Caraga)