Lumahok sa Onlayn Talakayan hinggil sa fieldwork sa panahon ng pandemya
LUNGSOD NG BUTUAN – Sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), inaanyayahan nito ang mga guro, mag-aaral, mananaliksik, at kasapi ng mga katutubong pamayanang kultural ng Pilipinas na lumahok at matuto sa Onlayn talakayan hinggil sa ‘Fieldwork sa Panahon ng Pandemya’.
Mapanonood ito sa Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Pebrero 21, 2023, Martes, sa ganap na ika-10:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali.
Sina Dr. Fhadzralyn A. Karanain, Dr. Arvin Casimiro, Prop. Abdul-Baqui A. Berik, at Prop. Bryan B. Marcial, mga propesor mula sa Western Mindanao State University at grantee para sa dokumentasyon ng wikang Tausug sa Lungsod Zamboanga ang mga tagapanayam.
Ang gawaing ito ay pakikiisa ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Unang Wika 2023 (International Mother Language Day 2023) na may temang “Edukasyong Multilingguwal–Kailangan sa Transpormasyon ng Edukasyon sa Isang Multilingguwal na Daigdig” (Multilingual Education–a Necessity to Transform Education in a Multilingual World).
Libre ang pagdalo at magkakaloob ng sertipiko. Hindi kailangang magpatalΓ’. (KWF/PIA-Caraga)