KWF may bagong hinirang na Direktor Heneral
LUNGSOD NG BUTUAN -- Hinirang si Atty. Marites A. Barrios-Taran na bagong Direktor Heneral ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Si Atty. Barrios-Taran ay isang Certified Public Account (CPA) at naging Board Secretary ng Board of Regents ng Pamantasang Lungsod ng Maynila (PLM) at naging Vice President for Administration and Finance, University Legal Counsel, at naging Director II sa House of Representative.
Siya ang magiging katuwang ng Lupong Tagapagpaganap na binubuo nina Kom. Arthur P. Casanova, Kom. Carmelita C. Abdurahman, at Kom. Benjamin M. Mendillo Jr.
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nilikha upang magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Pilipinas.
Ang Batas Republika Blg. 7104 ay ang batas na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino na nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito at para sa iba pang mga layunin. (KWF/PIA-Caraga)