(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Thursday, 9 March 2023

Mabuting pundasyon sa pamilya, binigyang diin sa Caraga Women's Summit

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Ang pamilya ang pinakamahalang unit ng lipunan. Kapag ito ay may mabuting pundasyon, malaki ang naidudulot nito sa komunidad.

Ito ang binigyang-diin ng Regional Development Council - Regional Gender and Development Committee (RDC-RGADC) Caraga sa isinagawang Women's Summit sa lungsod ng Butuan na dinaluhan ng mga kawani mula sa iba't-ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor.

Ayon kay RGADC chairperson at Commission on Population and Development (POPCOM) Caraga Regional Director Alexander Makinano, ang pamilya ang una nating nagiging guro at siyang humuhubog sa bawat miyembro na maging mabuting tao.

Kaya't mahalaga aniya ang paggabay ng mga magulang sa mga anak na sila'y lumaking may pagmamahal at respeto sa kapwa.

Sa paraang ito aniya maiiwasan ang pagkakaroon ng domestic violence at nagdudulot ng pagkawasak ng pamilya.

“Ang ating gobyerno ay patuloy na bumubuhos ng mga programa at oportunidad para sa mga kababaihan at kalalakihan upang matugunan ang pang-araw araw na pangangailangan ng kanilang pamilya,” ani Makinano.

Sinuportahan din ito ni Agusan del Norte Provincial Governor Ma. Angelica Rosedell Amante na siyang keynote speaker.

“Nagsisimula talaga ‘yan sa pamilya. Kung papaano nyo ipinapakita sa inyong mga anak ang leksyon na kanilang dapat matutunan. Ipakita natin sa ating mga anak na pantay-pantay ang ating pagtingin sa kanila at pare-pareho natin silang binibigyan ng pagkakataong umasenso sa buhay. Magka-iba man ang ating mga kultura, alam naman natin kung ano ang patas para sa lahat,” pahayag ni Amante.

Pinarangalan din sa nasabing okasyon ang mga natatanging kababaihan sa rehiyon mula sa iba't-ibang larangan. At may mga learning sessions sa lahat ng lumahok.

Nagbigay din ng libreng serbisyo ang mga ahensya ng gobyerno, at trade fair kasama ang pribadong sektor.

Samantala, namahagi rin ng health services ang Provincial Health Office sa mga sektor sa lalawigan ng Agusan del Norte, bilang parte sa mga aktibidad ngayong buwan ng kababaihan. (JPG/PIA-Caraga)